Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makalikasang Sinulog festival, panawagan ng Ecowaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 834 total views

Nagsagawa ang EcoWaste Coalition katuwang ang Sanlakas Cebu at Barangay Tejero, Cebu City ng Sinulog-inspired parade sa Cebu City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Zero Waste Month at panawagan para sa makakalikasang selebrasyon ng Sinulog Festival.

Tema ng gawain ang “Sinulog sa Kabatan-onan Alang sa Kinaiyahan” o Sinulog ng Kabataan para sa Kalikasan, tampok ang dalawang oras na street dancing na nilahukan ng nasa 50 residente ng Barangay Tejero, karamihan’y kabataan, dala-dala ang imahen ng Santo Niño, at mga banner at placard na may mensaheng isinusulong ang malinis na pagdiriwang ng Sinulog.

Isinagawa ang parada sa Ponce Street malapit sa Carreta Cemetery at nagtapos sa pamamagitan ng programa sa Barangay Tejero Gymnasium.

Binigyang-diin ni Barangay Tejero Captain Harold Seno na kaakibat ng Sinulog Festival ang pagdagsa ng mga tao at turista, gayundin ang naiiwang tambak ng basura, kaya’t mahalaga ang sama-samang pagkilos upang mapanatiling malinis ang mga kalye at plaza.

“Sinulog attracts millions of people from within Cebu and afar and it can generate tons upon tons of garbage, especially single-use plastic and food waste. We are one with the EcoWaste Coalition in reminding residents and visitors to join hands in keeping our streets and plazas litter-free,” ayon kay Seno.

Sang-ayon naman dito si EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero at sinabing sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng pagdiriwang ay naisusulong rin ang pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Dagdag ni Lucero na ang Sinulog ay hindi lamang pagdiriwang ng pananampalataya at kultura, kundi paalala rin na tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng zero waste lifestyle.

“Zero waste is not just a hollow buzzword — it’s a lifestyle change that we must adopt together to combat plastic pollution and preserve our planet for ourselves and the future generations,” saad ni Lucero.

Tinalakay din sa programa ang kahalagahan ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at ang tungkulin nito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Magugunita sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong July 2024, kabilang sa anim na ecological actions na itinakdang pagtutuunang pansin ng simbahan ang pagsuporta sa mga pagsisikap laban sa plastic pollution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 22,716 total views

 22,716 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 90,204 total views

 90,204 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 111,269 total views

 111,269 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 133,813 total views

 133,813 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 169,785 total views

 169,785 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PIM, inilunsad ng Ecumenical groups

 1,847 total views

 1,847 total views Inilunsad ngayong araw ang ecumenical group ng ‘People’s Impeachment Movement (P-I-M) na kalipunan ng mga katolikong Pari, Madre, Aglipayan at Kristyanong Pastor upang

Read More »
Scroll to Top