Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,088 total reads

Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali.

Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term national at local elections…Kapanalig, isang bilyong piso..isang bilyong piso ang budget ng COMELEC sa pag-imprenta ng balota.

Ang suspension ng pag-imprenta ng balota ay pagsunod ng COMELEC sa inilabas ng Korte Suprema na temporary resytraining order (TRO) na pumipigil sa poll body na iimplementa o ipatupad ang desisyon (ruling) na nagdi-disqualify sa certificates of candidacy (COCs) ng limang indibidwal na tatakbo sa May 12, elections.

Bukod sa suspension ng printing of ballots, ipinag-utos din ng COMELEC ang pagpalit ng candidates data base, election management system (EMS), automated counting machine (ACM) at consolidation and canvassing system(CCS). Ipinag-utos din ang regeneration sa 1,667 ballot face templates, serialization at pagpalit nng numbering ng mga kandidato.. Kapalpakan…Aminado ang ahensiya na magastos at time consuming ang nangyari dahil sa kautusan ng korte suprema.

Sa kanilang en banc session, naglabas ng TRO ang Korte Suprema na pumipigil sa COMELEC na ideklarang nuisance candidate si Subair Guinthum Mustapha at Charles Savellano na tumatakbong Senador at Ilocos Sur 1st District Representative. Naglabas din ang SC ng TRO pabor kay Edgar Erice na dinis-kwalipika ng COMELEC sa pagtakbo bilang 2nd District Representative ng Caloocan City, gayundin si Florendo de Ramos Ritualo Jr., na kinansela ang COC para sa city council ng San Juan City.

Ibinasura ng Korte Suprema ang katwiran ng COMELEC na walang kakayahang pinansiyal ang nasabing mga kandidato kaya kinansela ang kanilang COC at idineklarang nuisance candidate.

Sinabi ng SC na binalewala at hindi iginalang ng COMELEC ang “bonafide intention” ng kandidato na tumakbo sa public office kahit walang kakayahan na magsagawa ng malawakang pangangampanya.

Simple lamang ang qualifications sa mga gustong tumakbo ng public office sa ilalim ng 1987 Philippine constitution at Omnibus Election code… natural born citizen of the Philippines, registered voter, able to read and write, least 40 years of age para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo, resident of the Philippines for at least 10 years immediately preceding the election. Ganito rin ang qualifications sa Senator, Representatives,Governors,vice-Governor, Sangguniang Panglungsod, mayor, vice-mayor,city councils.. Wala sa qualifications kung may pera ka o wala…may partido ka o wala.. Anong nangyari sa COMELEC, lahat ng mga commissioner dito ay pawang mga abogado… Pero pagdating sa partylist representative, nakakalusot ang mga partylist na wala namang nire-represent na marginalized sector..Walang sentido-komon.

Nakasaad sa Catechism of the Catholic Church na “it’s the duty of citizens to contribute along with the civil authorities to the good of society in a spirit of truth, justice, solidarity, and freedom.”
Sinasabi naman sa Evangelii Gaudium na “public service, when it seeks the common good, is a “lofty vocation.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 33,380 total reads

 33,380 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 117,236 total reads

 117,236 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 211,567 total reads

 211,567 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 273,253 total reads

 273,253 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 317,401 total reads

 317,401 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 33,381 total reads

 33,381 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 117,237 total reads

 117,237 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 211,568 total reads

 211,568 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 273,254 total reads

 273,254 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top