Poong Santo Niño, kasama ng tao sa Paglalakbay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,566 total reads

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Sto. Niño de Pandacan Parish ang mananampalataya na buhay ang pag-asang hatid ni Hesus sa sanlibutan.

Ayon kay Fr. Andy Ortega Lim, kura paroko ng parokya na hindi pinababayaan ng Diyos ang tao sa paglalakbay sa mundo sapagkat ibinigay nito si Hesus upang tubusin ang sangkatauhan.

“Paalala sa atin na sa ating paglalakbay sa buhay laging may pag-asa sapagkat kasama natin ang Mahal na Poong Santo Niño, sa lahat ng hinaharap at pinagdadaanan natin hindi tayo nag-iisa may pag-asa,” pahayag ni Fr. Lim sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng pari na sa lahat ng pagkakataon ay nakilakbay ang Diyos sa tao kaya’t hindi dapat mangamba sa halip ay patuloy na magtiwala sa dakilang habag at awa ng Panginoon upang mapagtagumpayan ang anumang kinakaharap na suliranin at pagsubok sa buhay.

Sinabi ni Fr. Lim na sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño ngayong taon ay nanatiling pag-asa ang hatid nito sa sanlibutan tulad ng tema ng Jubilee Year ng simbahang katolika na ‘Pilgrims of Hope’ na isang magandang paalala sa mamamayan lalo na sa mga pinanghihinaan at nawawalan ng pag-asa sa buhay.
Hinimok ni Fr. Lim ang mamamayan na mas palalimin ang debosyon sa batang Hesus bilang pasasalamat sa walang hanggang awa at pag-ibig sa tao.

Matatandaang nasunog ang simbahan noong July 10, 2020 dahil sa faulty wiring at kasalukuyang sumailalim sa reconstruction na ayon kay sa kura paroko ay bahagi ng pag-asa ng simbahan na bagamat dumaan sa trahedya ay muling makababangon dahil sa pagtutulungan ng mamamayan.

Kabilang sa napinsala ng sunog ang Tres Potencias ng 400-year old na imahe ng Sto. Nino o ang andador, globo at krus na bitbit ng batang Hesus.

Pinasalamatan ni Fr. Lim ang bawat sumusuporta sa proyektong pagpapagawa ng simbahan kung saan nakadambana ang patron ng Pandacan Manila.

“Salamat po sa mga taong patuloy tumatangkilik, sumusuporta at patuloy ang aking paanyaya na inyong tulungan pa ang ating ginagawang simbahan hindi lang po ito simbahan ng taga Pandacan kundi simbahan po ito ng bawat deboto kay Hesus kaya pagtulungan po natin,” ani Fr. Lim.
Sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng parokya sa telepono 02-8563-3211 o bisitahin ang kanilang official facebook page na https://www.facebook.com/stoninodepandacanparish para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 68,347 total reads

 68,347 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 100,621 total reads

 100,621 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 202,447 total reads

 202,447 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,005 total reads

 243,005 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 260,685 total reads

 260,685 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top