Hindi biro ang karahasan at kapansanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,211 total reads

Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato.

Kinutya ng senador ang hindi pantay o, sa kanyang mga salita, “ngiwing” mukha ni Representative Cendaña. Sinabihan pa niya ang congressman na lumapit sa kanya para “sapakin” nang “mabalanse” ang mukha niya. Lingid sa kaalaman ng senador, stroke survivor ang kongresista. Hinamon ni Representative Cendaña na gamitin na lamang ng senador ang kanyang “tapang” sa paglaban sa panggigipit ng Tsina sa West Philippine Sea. May saysay din daw ang tapang ni Senador Bato sa pagharap sa International Criminal Court na nag-iimbestiga sa war on drugs nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Hindi ikinatuwa ng marami ang naging biro ng senador laban sa kongresista. 

Para kay dating Senadora Leila de Lima, tahasan itong pambabastos, lalo na sa isang taong buong tapang na humarap sa matinding hamon sa kalusugan. Dagdag pa niya, hindi tamang kilos para sa isang lingkod-bayan ang ginawa ng senador. Aniya, “ang isang senador na nagsusulong ng karahasan, kahit sa biro, ay hindi naaayon sa tungkuling dapat niyang ginagampanan.” 

Para naman sa grupo ng mga doktor at health advocates, insulto ang mga pahayag ng senador sa dignidad ng mga taong may kondisyong pangkalusugan. Pinalalakas daw nito ang pagkakahon o stereotyping sa mga may katulad na kondisyon ni Representative Cendaña. Lantarang pagsasantabi ito sa mga taong may karamdaman. Salungat din daw ito sa pagsusulong ng isang lipunang may paggalang sa lahat ng tao, dahil minamaliit ng ganitong mga pananalita ang pinagdaraanan ng mga taong may karamdaman. 

Humingi naman ng tawad ang senador. Nadala lang daw siya ng emosyon. Tinanggap naman ng kongresista ang paumanhin ng senador. Para kay Representative Cendaña, mainam kung hihingi rin ng tawad ang senador sa iba pang stroke survivors. Hindi naman daw siya maramdamin pero ibang usapan na kung binabantaan ng mga nasa pamahalaan ang ibang tao at ginagawang biro ang kapansanan. Dapat daw manatiling makatwiran at makatao ang ating mga pulitikal na pag-uusap. Ang pagpapanagot o accountability ay hindi dapat tingnang pamemersonal sa indibidwal kundi karapatan at tungkulin ng mga mamamayan. 

Katulad ng sinabi ni Pope Francis sa World Day of Peace noong 2019,  mahalaga ang buhay-pulitika sa pagbubuo ng mga komunidad at institusyon. Ngunit kung hindi ito ituturing bilang paglilingkod, magiging daan ang pulitika tungo sa pang-aapi, pagsasantabi, at pagkasira. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang responsableng pamumuno ay pagsasabuhay sa mga katangian o virtues na ginagawang posible ang paggamit sa kapangyarihan para maglingkod. Ilan sa mga katangiang ito ay kababaang-loob, kahinahunan, pagkakawanggawa, at pagiging bukás-palad.

Sa madaling salita, walang puwang dapat sa buhay-pulitika ang mga pananalitang ginagawang biro ang karahasan at ang karamdaman o kapansanan ng mga tao. Bilang mga inihilal ng taumbayan, mabigat ang tungkulin ng mga lingkod-bayan, gaya ni Senador Bato, sa pagsigurong ang ating mga espasyong pampulitika ay walang karahasan, pangungutya, at pagsasantabi, lalo na sa mga may kapansanan at karamdaman. 

Mga Kapanalig, ipinaalala ni Hesus sa Marcos 9:35: “Sinumang nais maging una, siya’y dapat maging huli sa lahat at lingkod ng lahat.” Makita nawa natin sa ating mga pinuno—mula sa kanilang mga pananalita hanggang sa gawa—ang pagiging huli at lingkod sa lahat ng pagkakataon. Huwag tayong mapagod na paalalahanan ang mga lingkod-bayang nakalilimot na walang puwang ang karahasan at pangungutya sa dalisay na layunin ng pulitika. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,851 total reads

 83,851 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,578 total reads

 185,578 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,366 total reads

 222,366 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 252,941 total reads

 252,941 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,852 total reads

 297,852 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,852 total reads

 83,852 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,579 total reads

 185,579 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,367 total reads

 222,367 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 252,942 total reads

 252,942 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top