8,117 total views
Nanindigan ang Congregratio Immaculati Cordis Mariae – Philippines Schools Network (CICM-PSN) na mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang makasaysayang bloodless revolution ng EDSA People Power revolution sa February 25.
Bilang paggunita, ipapatupad ng organisasyon ang special non-working day sa lahat ng branches ng mga kasaping paaralan upang alalahanin ang tagumpay ng taumbayan laban sa diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ito ang pagkilala at pag-alala ng CICM-PSN sa sakripisyo ng mga nag-alay ng buhay at pakikibaka sa 1986 EDSA People Power Revolution, 39-taon na ang nakakalipas.
“February 25 or the EDSA People Power Revolution is a historical breakthrough for the Philippines, its essence should always be recognized, felt and observed, it is in this profound
recognition of this day that, with one heart and one soul, the CICM-PSN declares 25, February 2025 (Tuesday) as a Special non-working day in its school nationwide; classes in all levels in the aforementioned schools are likewise suspended,” ayon sa mensaheng ipinadala ng CICM-PSN sa Radio Veritas.
Sinabi ng organisasyon na bahagi din ito ng pagtuturo sa mga kabataan at mag-aaral ng tunay na kasaysayan ng Pilipinas.
Ang CICM-PSN ay binubuo ng University of Saint Louis, Saint Mary’s University, Saint Louis University, Saint Louis College-San Fernando, Saint Louis College-Cebu at Maryhill School of Theology.
Naunang idineklara ng pamahalaan ang non-working holiday sa ika-25 ng Pebrero 2025, kasama ang University of Sto.Tomas at mga kasapi ng EDSA Ortigas Consortium upang gunitain ang makasaysayang bloodless revolution na nagpatalsik sa puwesto ng rehimeng Marcos.