Talino at Merkado sa ASEAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 310 total views

Kapanalig, may mga isyu sa ating bansa at sa ASEAN na kailangan ng ating agarang aksyon, lalo’t pa’t ang integrasyon sa rehiyon ay narito na.

Ang integrasyon sa ASEAN kapanalig, ay may mga dalang biyaya, ngunit may mga isyu rin itong pinalulutang, gaya ng brain waste at brain drain. Ano nga ba ang mga ito?

Ang brain waste, kapanalig, ay underutilization. Hindi ba’t nakikita natin ngayon at naranasan ang kahirapan ng paghahanap ng trabaho ng marami sa ating kababayan? Dahil sa kahirapan na ito, marami sa ating mga kababayan ang pumapatos sa mga trabaho kung saan sila ay overqualified.

Ang isyu na ito ay hindi nakikita ng mga policymakers sa rehiyon. Dahil dito, nasasayang ang kasanayan ng mga mamamayan, napupurol. Nasasayang ang invesments o puhunan na nilalagak sa pagpapayabong ng tao. Sa kahuli-hulihan, ang human capital o human resources—ang pangunahing yaman ng bansa—ay naluluma at nade-degrade.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng mga underemployed ang tumataas ngayon sa ating bansa, habang bumababa ang unemployed. Ang underemployed kapanalig, ay yaong mga nagtatrabaho na ngunit nais pang magtrabaho at mga overqualified para sa kanilang trabaho. Nasa 19.7% ito kapanalig noong January 2016, mas mataas pa noong January 2015 na nasa 17.9%.

Ang brain drain din kapanalig, ay isang isyu na maaring maka-apekto sa ASEAN integration at sa mga local na ekonomiya sa Asya. Ang brain drain ay ang pag-alis ng mga highly skilled at highly educated na mamamayan sa isang bansa upang magtrabaho sa ibang bansa na labas sa ASEAN at sa Asya. Ito ay isang malaking balakid sa paglago ng anumang ekonomiya.

Ayon sa datos ng Asian Development Bank, malaking bilang ng mga migrante mula sa ASEAN countries ang nagpupunta sa mga bansang kasapi ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). Nasa 1.7 milyong college graduates ang nasa OECD countries noong 2000. Tumalon na ito ng 2.8 million noong 2010. Mas marami kasing oportunidad para sa paglago sa mga OECD countries, kaya’t pihadong mas tataas pa ang bilang na ito.

Malaking hamon ito kapanalig sa mga ASEAN countries, lalo na sa ating bansa na tao ang nagiging pangunahing export product sa ngayon. Kapanalig, ang mga polisya ng ating bansa ay dapat hindi lamang kontrolado ng merkado. Ito dapat ay gumagalaw ayon sa panlipunang katarungan o social justice at pag-ibig, o charity.

Ang Mater et Magistra, bahagi ng panlipunang turo simbahan ay may mahalagang aral ukol dito: “Ang trabaho at ang sweldo ay hindi lamang dapat iwanan sa batas ng merkado. Hindi rin ito dapat base sa desisyon ng mga may hawak ng kapangyarihan. Ang trabaho at kita ay dapat ayon sa katarungan at sa pagkapantay-pantay ng tao.” Kapanalig, kapag ang isang bansa ay tuluyang papalaganapin ang ang hindi pagkapantay-pantay sa lipunan, ang mga isyu gaya ng brain waste at brain drain ay unti-unting kakain dito, at sa kahuli-hulihan, tayong lahat ang talo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 146 total views

 146 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 24,462 total views

 24,462 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 60,252 total views

 60,252 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 102,140 total views

 102,140 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 155,491 total views

 155,491 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Itigil ang pagdanak ng dugo

 148 total views

 148 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 24,464 total views

 24,464 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 60,254 total views

 60,254 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 102,142 total views

 102,142 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »
Scroll to Top