QC ordinance laban sa mercury products, pinuri EcoWaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,645 total reads

Pinuri ng EcoWaste Coalition ang Quezon City Government sa pagsisikap nitong protektahan ang mamamayan, lalo na ang kababaihan at mga bata, mula sa panganib ng mercury sa kalusugan at kapaligiran.

Sinusuportahan ng grupo ang Executive Order ni Mayor Joy Belmonte na nagpapatibay sa pagbabawal ng mga pampagandang produkto na may mercury, na nilagdaan noong Pebrero 12, 2025. Bahagi nito ang pagbuo ng isang task force sa pangunguna ng Quezon City Health Department (QCHD) upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng City Ordinance No. 2767, na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at pamamahagi ng mga produktong may mercury.

“We commend Mayor Joy Belmonte and the QCHD for their earnest efforts to strengthen the enforcement of the landmark ordinance banning the manufacture, distribution, and sale of mercury-added cosmetics in the city,” pahayag ni EcoWaste Coalition campaigner Manny Calonzo. Ayon sa kanya, ang task force ay magpapalakas sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at magpapabuti sa seguridad ng mga nagpapatupad ng regulasyon.

Samantala, binigyang-diin ni International Pollutants Elimination Network (IPEN) Technical and Policy Advisor Lee Bell na ang inisyatiba ng lungsod ay dapat gawing modelo ng ibang LGUs. “This is how it’s done—active cooperation between city authorities and experienced [non-government organizations] to make a difference on the ground where it matters,” aniya.

Naaprubahan noong Nobyembre 19, 2018, ang City Ordinance No. 2767 ay naisabatas matapos matuklasan ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto sa lungsod.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mercury sa ilang produktong pampaputi ng balat ay maaaring magdulot ng pangangati, peklat, at pagbabago sa kulay ng balat; humina ang resistensya laban sa impeksyon; at magdulot ng pinsala sa nervous system, bato, at immune system, pati na rin anxiety, depression, at psychosis.

Bilang pagkilala sa suporta ng Quezon City Government sa iba’t ibang adbokasiya, kabilang ang pagbabawal sa single-use plastics, solid waste management, paggamit ng lead-safe paints, at pagbabawal sa mercury-containing cosmetics, ginawaran ito ng EcoWaste Coalition ng Award of Recognition noong Enero 31, 2025, kasabay ng ika-25 anibersaryo ng grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 109,083 total reads

 109,083 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 194,464 total reads

 194,464 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 258,303 total reads

 258,303 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 338,680 total reads

 338,680 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 416,514 total reads

 416,514 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 223,284 total reads

 223,284 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top