Pananalangin,pag-aayuno at kawanggawa, tunay na diwa ng kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,837 total views

Muling ipinapaalala sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng panalangin, disiplina, at kawanggawa bilang bahagi ng paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay.

Sa homiliya ni Fr. Rey Reyes, SSP na ginanap sa Veritas Chapel, binigyang-diin niya ang tatlong pangunahing haligi ng Kuwaresma: ang pananalangin, pag-aayuno, at pagbibigay ng tulong sa kapwa.

“Ngayong Kuwaresma, bawasan natin ang ating oras sa paggamit ng gadgets at social media. Sa halip, italaga natin ang mas maraming sandali sa pananalangin at pakikipag-ugnayan sa Diyos,” ayon kay Fr. Reyes.

Hinikayat din ang publiko na maging mas disiplinado sa kanilang pamumuhay. “Sa panahong ito, suriin natin ang ating mga ari-arian. Kung mayroon tayong mga bagay na hindi na natin kailangan, ipagkaloob natin ito sa mas nangangailangan. Napakaraming pamilya ang salat sa pagkain at pangunahing pangangailangan, kaya’t huwag tayong mag-atubiling magbigay,” dagdag ng pari.

Bukod sa pananalangin at sakripisyo, binigyang-diin din ang paggawa ng mabuti sa kapwa. “Ngayong Kuwaresma, maglaan tayo ng oras upang dalawin ang mga may sakit, alalahanin ang ating pamilya, at tumulong sa ating komunidad. Hindi natin kailangang hintayin ang isang tao na mawala bago natin iparamdam ang ating pagmamalasakit,” paalala pa ni Fr. Reyes.

Sa gitna ng pagiging abala ng buhay, nananawagan ang Simbahan sa mga mananampalataya na gamitin ang panahon ng Kuwaresma bilang pagkakataon upang mas mapalapit sa Diyos at magbahagi ng pag-ibig sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 82,507 total views

 82,507 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 104,512 total views

 104,512 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 128,854 total views

 128,854 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 151,237 total views

 151,237 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 180,734 total views

 180,734 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top