Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,578 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-11 ng Marso 2025
Kuwaresmang-kuwaresma
mga pangyayari sa araw na ito
pagkaraan ng mahabang panahong
pagpapakasakit, pagdurusa
at pagkamatay ng marami
Pasko ng Pagkabuhay nabanaagan
para sa mga pinaratangang
nanlaban,
natokhang.
Sa lahat ng larawang
nakintal sa aking isipan at
alaala ng madilim na nakaraan
ito ang hindi ko malimot-limutan:
diumanong pusher
nanlaban nang patayin sa gitna
ng lansangan
tangan-tangan ng kasintahang
umiiyak, humihiling sila ay tulungan.
Lahat ay nagdiriwang
sa pagkakadakip ng berdugong
ipinagyabang kapirasong kapangyarihan
lahat minura at hinamak
Diyos at Santo Papa
maging si Obama
maliban sa mga amo niya sa China
ngayon ibig niyang takbuhan
ngunit nagpahayag na wala silang pakialam.
Sila ngayon ang nanlalaban
sigaw amng katarungan na kanilang
tinapakan at niyurakan
tapang-tapangan naglahong daglian
mga salitang binitiwan
ayaw nang balikan
kanilang sukatan
sila ngayon ang nilapatan
tinimbang ngunit kulang na kulang.
Busilak ng kinabukasan
maari pa ring asahan
sa gitna ng karimlan
dahil itong kasamaan 
mayroong hangganan
katulad ay pintuan
kinakatok upang pagbuksan
kapag tinanggihan
tokhang ang kalalabasan.
Dalangin ko sana'y
wala nang sumunod
manunungkulang bukambibig
ay puro kamatayan, mga birong
kasamaan at kalaswaan
bayan huwag nang
magpalinlang
landas ng katarungan
at karunungan
tanging sundan.
*Basahin ang kuwento ng kumuha ng naturang larawan, si G. Raffy Lerma upang madamang muli malagim nating nakaraan, https://www.raffylerma.com/blog-1/2016/12/22/the-story-behind-the-viral-photo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 33,786 total reads

 33,786 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 138,897 total reads

 138,897 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 225,007 total reads

 225,007 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 295,141 total reads

 295,141 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 327,290 total reads

 327,290 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

“Guilty, your Honor!”

 3,894 total reads

 3,894 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Ninth Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 18 October 2026

Read More »

Sealed with the Holy Spirit

 5,482 total reads

 5,482 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October

Read More »

Sealed with the Holy Spirit

 23,744 total reads

 23,744 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October

Read More »

Be my everything, Jesus

 22,173 total reads

 22,173 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October

Read More »
Scroll to Top