Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 123,364 total views

Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan.

Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng simbahan na ugaliin nating mabuting katiwala ng sangnilikha…protektahan at pangalagaan natin ito… maging bahagi tayo sa pagkilos upang matugunan ang problema sa climate change.

Sa pagsisimula ng summer season sa Pilipinas, noong March 3, 2025 ay naranasan ng Metro Manila ang 33-degrees celsius na temperatura na dahilan sa suspension ng klase at pagpapa-uwi sa mga estudyante sa lungsod ng Maynila at anim pang distrito sa kalakhang Maynila. 68-libong estudyante sa may 48-paaralan ang naapektuhan ng mainit na panahon.

Ang naranasang 33-degrees Celsius na init ay mababa pa sa naranasang 38.8-celsius noong April 27, 2024 sa maraming lugar sa bansa. Sinasabi ng PAG-ASA na maaring umabot sa 38-40 degrees Celsius sa buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.. Nakakatakot at nakakabahala ang ito Kapanalig…handa ka na ba?

Dahil sa inaasahang matinding “heat wave” sa bansa… nagpapaala ang Department of Health(DOH) sa mga Pilipino na kapag umabot na sa 38°C ang init at galing kayo sa labas.. hayaan natin na mainit ang ating katawan. Huwag uminom ng malamig na tubig..pwede uminom ng mainit o maligamgam na tubig subalit dahan ang pag-inom. Magsuot ng preskong damit, magbaon ng tubig at limitahan ang pagbilad sa araw mula 10 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Kapanalig, ang mataas na heat index ay nagdudulot ng heat exhaustion o pagkapagod na maaring mauwi sa pagkawalang malay…bunga ng matinding init, maari kang magkaroon ng heat cramps o pulikat at ang matindi ay heat stroke.. Kapanalig, ang tatlong sintomas ay maaring magdulot kamatayan kapag hindi natugunan ng maayos.

Kapanalig, sa inyong pakikiisa sa mga gawaing simbahan ngayong kuwaresma lalu na sa pagbisita sa mga jubilee churches ngayong jubilee year of hope, ugaliin natin sundin ang paalala ng mga health expert upang hindi malagay sa peligro ang ating buhay.

Sa ating paggunita sa muling pagkabuhay ng ating panginoong si Hesus…Alagaan po natin ang katawan at kalusugan! Regalo ito ng panginoon.

Kapanalig, ipinapaalala ng “Matthew 10:28: Do not fear those who kill the body but are unable to kill the soul; but rather fear Him who is able to destroy both soul and body in hell.

Sinasabi naman ng “Thessalonians 5:23: Now may the God of peace Himself sanctify you entirely; and may your spirit and soul and body be preserved complete, without blame at the coming of our Lord Jesus Christ.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 25,366 total views

 25,366 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 92,854 total views

 92,854 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 113,919 total views

 113,919 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 136,387 total views

 136,387 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 172,139 total views

 172,139 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

APAT NA DEKADA

 25,367 total views

 25,367 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 92,855 total views

 92,855 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 113,920 total views

 113,920 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 136,388 total views

 136,388 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »
Scroll to Top