CBCP-ECPPC, nakikiisa sa paggunita ng Womens Month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,149 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang prison ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggunita ng sambayanan ng Buwan ng Kababaihan o Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Kinilala ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC), ang mahalagang ambag ng mga kababaihan sa lipunan lalo’t higit ang dedikasyon sa pagsusulong ng pagkalinga, pagmamahal at pangangalaga maging sa mga Persons Deprive of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

Tinukoy ng prison ministry ng CBCP ang pagsusumikap ng mga kababaihang Volunteers in Prison Service (VIPS) na maging tanglaw ng katarungan na nakapaghihilom at nakapagpapaalala sa kahalagahan ng buhay ng bawat isa maging ng mga nakapiit sa mga bilanguan.

“We celebrate the dedication of our Volunteers in Prison Service (VIPS)—Women who bring hope, dignity, and transformation to those behind bars. Your compassion is a beacon of justice that heals, reminding every incarcerated person that they are not forgotten. Thank you for your unwavering service and love.” Bahagi ng pagbati ng CBCP-ECPPC.

Tema ng paggunita ng Women’s Month sa Pilipinas ngayong taon ang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas,” kung saan una na ring nagpahayag ng pagkilala ang Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng isang makatarungan, at may malasakit na lipunan.

Ang Buwan ng Kababaihan o Women’s Month ay ipinagdiriwang tuwing Marso sa buong mundo habang sa Pilipinas, ito ay alinsunod sa Proclamation No. 227, s. 1988, na nagdedeklara ng Marso bilang National Women’s Month upang kilalanin ang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan at itaguyod ang kanilang karapatan at kapakanan.

Ipinagdiriwang naman ang International Women’s Day tuwing Marso 8 bilang isang pandaigdigang araw ng pagkilala sa mga tagumpay ng kababaihan sa iba’t ibang larangan at ng patuloy na laban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 35,385 total views

 35,385 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 58,537 total views

 58,537 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 128,651 total views

 128,651 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 203,265 total views

 203,265 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 280,746 total views

 280,746 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,768 total views

 5,768 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top