PAG-UUSAP SA LIWANAG NG ESPIRITU (Conversation in the Spirit)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,265 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ni Hesus, 16 Marso 2025, Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, Luke 9:28b-36

Ang kuwentong narinig natin sa ebanghelyo ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong kuntento sa translation ng transfiguration sa Tagalog na “pagbabagong-anyo.” Totoo, nagbago ang anyo ni Hesus, habang nasa gitna siya ng pakikipag-usap kina Moises at Elias. Totoo namang nakapagbabago ng anyo ang pakikipag-usap. Naalala ko ang sinabi ng isang testigo na nakasaksi ng pamamaril ng kapitbahay niya sa isang delivery man ng Grab. Nag-uusap daw ang dalawa at narinig niyang nagko-complain ang kapitbahay tungkol sa kundisyon ng delivery at ang pangangatwiran ng delivery man. Nagsimula daw magtaasan ang mga boses nila at nagsimulang magmurahan. Nakita daw niyang nagbago ang mukha ng kapitbahay sa tindi ng galit, nanlisik ang mga mata, at may kinuha sa kotse niya na baril pala, at pinagbabaril ang delivery man.

May kausap din si Hesus sa kuwento ni San Lukas, pero kakaibang pagbabago ang nakita ng mga alagad kay Hesus. Nagningning daw ang mukha, kumikislap ang damit sa kaputihan. Ang mas angkop na description sa ganyan ay pag-iibayong-anyo. Masyadong generic ang pagbabagong-anyo. Kapag in-love ang tao sa kausap niya makikita mo ang kakaibang ngiti at lagkit ng paningin. Kapag ngumiti sa iyo ang isang sanggol o bata, kahit gaano ka kasungit, parang matutunaw ang puso mo. O kapag siryoso at makabuluhan ang pinag-uusapan at malalim ang napupulot na aral ng bawat isa at may pagtatagpo ng kalooban.

Paano ba makakausap ni Hesus sina Moises at Elias gayong ilang daang taon ang mga pagitan ng mga panahon na kinalagyan nila? Ito ang problema kapag masyadong literal ang basa natin sa Bibliya. Nakukuha natin ang salita pero hindi ang kahulugan nito. Kaya nga natin kailangang pagnilayan dahil hindi porke’t narinig natin ang sinasabi ay nakuha na rin natin ang ibig sabihin. Sa Kapampangan, “amanu” ang tawag sa salita, at “amanuan” ang tawag namin sa ibig sabihin nito.

Sa mga Hudyo, si Moises ang sumisimbolo sa Batas, at si Elias naman sa mga Propeta. Ang Batas at Propeta—ito ang tawag nila sa Banal na Kasulatan o Bibliya. Ang nagbabasa at nagninilay sa Book of Genesis ay para bang “nakikipag-usap kay Moises”. Ang nagbabasa at nagninilay sa book of Jeremiah ay “nakikipag-usap kumbaga kay Elias.” Sabi ni San Lukas, nasa gitna ng pananalangin si Hesus nang magbagong-anyo siya. Ibig sabihin nagbabasa at nagninilay tungkol sa ilang mga pagbasa sa mga aklat ng Batas o Propeta.

Ginagawa rin natin ito kapag ginagamit natin ang Salita ng Diyos sa ating pananalangin at nagagabayan tayo nito sa pagharap natin sa mga hamon ng buhay. Pero hindi lang sa personal o sarilinan na pananalangin nagagawa. Gayundin sa mga okasyon tulad ng pagbi-Bibliya-rasal sa mga BEC. Katunayan, pinasikat ito ni Pope Francis sa Synod on Synodality bilang paraan ng “pakikinig sa bulong ng Espitu Santo” sa pamamagitan ng pakikinig natin sa isa’t isa. Tinawag niya itong mga “conversations in the Spirit”, o “pag-uusap na ginagabayan ng Espiritu Santo.”
Para kay Papa Francisco, ito ang pinakamabisang paraan ng konsultasyon, kapag ibig nating tuklasin nang sama-sama ang kalooban ng Diyos sa konteksto ng mga kasalukuyang karanasan at mga tanda ng panahon. Sa masusing pakikinig at magalang na bahaginan na humuhugot ng inspirasyon sa Salita ng Diyos, pwede nating marinig ang Diyos sa pamamagitan ng salita ng isa’t isa. Lalo na kapag natutukoy natin ang mga punto ng pagtatagpo ng mga kalooban ng mga nag-uusap. Kapag wala pang pagtatagpo, baka ibig sabihin wala pang mapagkasunduan. Baka kailangan pang ipagpatuloy ang pag-uusap. Sa ganyan lang pwedeng magbunga hindi lang ng pagbabago kundi ng pag-iibayong anyo ang ating mga samahan—sa pamilya, sa pamayanan, sa parokya, sa lipunan.

Sayang talaga kapag hindi na gaanong nakapag-uusap ang magpapamilya, kapag kahit sa hapag-kainan, nakatutok pa rin sila sa TV o sa cellphone. Sayang kapag dahil lang sa pagkakaiba ng pananaw sa pulitika o ng opinyon tungkol sa mga isyu, iiwas na sa pakikipag-usap ang mga magkakasama sa isa’t isa.

Lahat ng magagandang mga plano, proyekto, at institusyon ay bunga ng masusi, bukas-loob, magalang at matiyagang pag-uusap. Kapag natututo tayong makibuklod ng puso at diwa sa ating mga kapwa sa kabila ng ating mga pagkakaiba, mas mabilis natin naaabot ang mga bagay na totoo, mabuti at maganda, mga bagay na nagpapaningning sa atin pagkatao bilang kalarawan ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,742 total views

 11,742 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,854 total views

 81,854 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,468 total views

 156,468 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,547 total views

 236,547 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,374 total views

 279,374 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 23,153 total views

 23,153 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 87,172 total views

 87,172 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 37,482 total views

 37,482 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 41,322 total views

 41,322 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top