Pagsusulong ng karapatan ng kalikasan at renewable energy, tampok sa Earth Hour 2025 Special ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,426 total reads

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon, tampok sa inihandang programa ng kapanalig na himpilan ang pagsusulong ng karapatan ng kalikasan at ang paglipat sa renewable energy.

Ngayong Sabado, March 22, 2025, mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi, muling isasagawa ng Radio Veritas ang programang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2025 Special.”

Bahagi ng programa ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at mga pagninilay mula kina Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco, Jaro Archbishop-emeritus Jose Romeo Lazo, Military Bishop Oscar Jaime Florencio, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, at Borongan Bishop Crispin Varquez.

Tampok na panauhin si Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) National Coordinator Yolly Esguerra na tatalakay sa paksang “Rights of Nature Now!” habang bibigyang-linaw naman ni Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) Research and Policy Deputy Head Brent Ivan Andres ang usaping “Dirty Energy Versus Renewable Energy.”

Magsisilbi namang host sina Fr. Angel Cortez, OFM, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), at Ms. Jing Rey Henderson, head ng National Integrity Ecology Program ng Caritas Philippines.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wide Fund for Nature Philippines, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Conference of Major Superiors in the Philippines, at Caritas Philippines.

Ngayong taon ang ika-17 beses na pakikibahagi ng Pilipinas sa taunang Earth Hour bilang patuloy na paninindigan upang pangalagaan ang daigdig.

Unang isinagawa ang Earth Hour noong 2007 sa Sydney, Australia, at itinuturing na pinakamalaking pagtitipon para sa kalikasan, at ngayo’y isinasagawa na sa higit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 27,261 total reads

 27,261 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 15,072 total reads

 15,072 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 52,002 total reads

 52,002 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 153,824 total reads

 153,824 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 194,383 total reads

 194,383 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 214,384 total reads

 214,384 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 134,809 total reads

 134,809 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top