Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,050 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Marso 2025
Larawan ng una kong birthday, sigisty years ago; nakaalalay sa akin si mommy (SLN) habang masayang nagsindi ng kandila ang kanyang Ditse, ang Tita Connie na nasa Amerika at buhay pa kasama ng kanyang mga anak na sina Alexis na ka-birthday ko katabi ng mommy at si RAF katabi ko; si Kuya Edgar pinakamatangkad at matanda sa mga pinsan ay nasa Amerika din. Di ko matiyak sinu-sino mga kasama sa party na mga pinsan ko lahat.
Sigisty years old na ako.
Sa isang taon sigisty one
Sa susunod sigisty two
tapos sigisty three
sigisty four
sigisty five 
sigisty six
sigisty seven
sigisty eight at
ewan, kung 
aabutin ko pa
mag(ing) sigisty-nine.
Salamuch sa lahat
ng mga nakasama at
nakasabay sa paglalakbay
sa buhay nitong anim na dekada,
sa mga naniwala 
at ayaw pa ring maniwala;
ang lahat ay pagpapala
ng Mabuting Bathala
na sa atin ay lumikha
itinakda tayong
maging ganap 
sa piling Niyang Banal.
Maraming dapat ipagpasalamat
sa aking mga biyayang natanggap
bagaman kulang na kulang
at tiyak kakapusin
aking mabubuting gawain
kaya sana ako ay inyong patawarin
lalo ng Panginoong butihin;
wala akong panghihinayang
sa aking mga nakaraan 
na kung aking babalikan
ay hindi ko na babaguhin
bagkus lahat ay uulitin pa rin!
Hindi man pansin
ako ay mahiyain,
alinlangan sa aking husay
at galing, napipigilan palagi
lumarga at magsapalaran
sa maraming hamon ng buhay
kaya't nitong mga nagdaan
akin nang pinag-iisipan
magpahingalay
tigilan nang pakikibaka
manahimik na lang,
umiwas sa ingay at gulo ng buhay.
Bukod sa 20-percent discount
ng pagiging senior sixty-cent
pinakamasarap sa pagiging sigisty
ang napakaraming ala-alang masarap
balikan maski na marami ring 
masasakit at mapapait na di malilimutan
na sadyang sakbibi nating palagi
dapat pa ring ipagpasalamat
sa maraming aral sa atin nagmulat
masarap pa rin ang mabuhay
kaya't sabik ko nang hinihintay
walang hanggang kinabukasan
maaring malasap 
ano man ating edad 
kung mamumuhay nang ganap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,864 total reads

 207,864 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 242,537 total reads

 242,537 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 258,437 total reads

 258,437 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,926 total reads

 294,926 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 301,168 total reads

 301,168 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Debt of Love

 2,386 total reads

 2,386 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Third Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 06 September 2026

Read More »

Stewards of God’s mysteries

 6,142 total reads

 6,142 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 04 September

Read More »

What have I left for Jesus?

 8,852 total reads

 8,852 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 03 September

Read More »
Scroll to Top