Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,651 total reads

4th Sunday of Lent Cycle C
Laetare Sunday
Jos 5:9-12 2 Cor 5:5.17-21 Lk 15:1-3.11-32

“Ang tao’y ibinilang ng Diyos na kanyang kaibigan sa pamamagitan ni Kristo, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan.” Ito ang magandang balita at dahil dito, tayo ay natutuwa. Anumang kasamaan natin, dini-delete na ng Diyos ang lahat – delete forever – dahil sa anumang hakbang, kahit maliit na hakbang na ating ginagawa para lumapit sa kanya.

Napakasama ang ginawa ng bunsong anak sa talinhaga ni Jesus na ating narinig sa ating pagbasa. Buhay pa ang ama humingi na siya ng pamana. Ang pamana ay matatanggap lamang kapag patay na ang magpapamana. Sa paghingi ng kanyang mana parang sinasabi ng anak, parang patay ka na para sa akin. Kinuha ang kanyang mana at nilustay sa di-wastong pamumuhay. Sinayang ang pinagsikapan ng ama. Napakahirap ng kanyang kalagayan noong naubos na ang lahat ng kayaman niya at nagkaroon pa ng matinding taggutom. Nag-alaga na lang siya ng baboy. Ang baboy para sa mga Hudyo ay isang maruming hayop. Ibig sabihin na pumunta na ang anak sa dayuhang lugar at doon nanirahan.

Ang kasalanan ng anak ay nagdala ng kasamaan sa kanya. Ganyan naman talaga ang dinadala ng kasalanan – kahirapan. Sa tindi ng kanyang hirap, naisip niya paano siya mabubuhay. Magpapakumbaba na lang siya at bumalik sa kanila at maging alila para lang may makain. Ang kanyang iniisip ay hindi naman na iniinsulto niya ang kanyang ama at naging iresponsableng anak siya. Bumalik siya hindi dahil sa ama kundi para lang may makain. Makasarili pa rin ang kanyang balak, pero ito ay sapat na sa ama. Dahil sa siya ay bumalik, sapat na sa ama na siya ay salubungin, yakap-yakapin, at hinagkan. Hindi nga pinansin ng ama ang kanyang pahayag, ang kanyang prepared speech. Agad binalik siya sa kanyang kalagayan bilang anak na minamahal – binigyan siya ng bagong damit, ng sapatos sa kanyang paa at singsing sa kanyang daliri. Nagpa-fiesta pa ang ama. May malaking handaan at masayang tugtugan. Bumalik na ang kanyang anak!

Minsan sinabi ni Jesus na may malaking kasiyahan sa langit sa isang makasalanang nagbalik loob sa Diyos. Ito na nga ang larawan ng kasiyahang ito. Nagpipiesta sa langit kapag may taong nagsisisi.

Pero lahat ba ay nagsaya? Hindi! Ayaw makiisa at makisaya ang panganay na anak. Siya ang mabuting anak. Hindi siya umalis ng bahay. Tapat siya sa kanyang gawain at sumusunod siya sa kanyang ama. Galing pa nga siya sa bukid sa kanyang trabaho. Mabuting bata siya, pero hindi anak ang turing niya sa kanyang sarili ngunit isang manggagawa. Hindi niya nakita na bilang anak ang lahat ng nasa bahay ng kanyang ay sa kanya. Maluwag naman ang ama sa kanya. Pero hind!. Hindi niya matanggap ang kanyang bunso na kanyang kapatid. Siguro noong umalis ang bunso, itinakwil na niya ang kanyang kapatid sa kanyang puso. Sumama marahil ang kanyang loob na ang ari-arian ng pamilya ay nilustay ng batang ito. Sinayang ang pinagpaguran ng pamilya. At ngayon babalik siya muli, ang nagpapiesta pa! Inamu-amo siya ng Tatay. Lumabas pa ito para lapitan siya at kausapin na makisalo sa kasayahan. Pumasok ba siya? Hindi natin alam. Bitin ang kwento ni Jesus.

Ang talinhagang ito ay sinabi ni Jesus para sa mga pariseo at mga eskriba, ang matutuwid na mga Hudyo. Sila iyong nagsisikap na pag-aralan ang Banal na Kasulatan. Sila iyong mga nagsisikap na tuparin ang mga kautusan ni Moises. Gusto nilang maging tapat sa kanilang relihiyon. Wala namang masama rito. Ang masama lang ay mababa at masama ang tingin nila sa mga kapwa Hudyo nila na hindi nagsisikap tulad nila. Makasalanan ang tingin nila sa kanila. Iniiwasan nila ang mga ito at wala silang pakialam sa kanila. Kaya hindi maganda ang tingin nila kay Jesus na nakikisalamuha sa mga itinuturing nilang makasalan. Sila iyong panganay na anak. Magsasaya ba sila na ang mga makasalanan ay tinatanggap na ng Diyos at maaari na muling makisalo sa hapag ng Panginoon? Sila ang magbibigay ng ending sa talinhaga ni Jesus.

Sinulat ni San Pablo na siya ay sugo ng Diyos na namamanhik sa mga tao: makipagkasundo na kayo sa Diyos, maaari nating idugtong, at sa inyong kapwa. Minsan madaling makipagkasundo sa Diyos. Ang mas mahirap ay makipagkasundo sa kapwa, lalo na sa kapwa na iniiwas-iwasan natin. Dahil sa hindi sila kasing bait natin, kasing galing natin; dahil iba ang paniniwala natin sa kanila, inaayawan na natin sila.

Nangyayari ito sa ating panahon, lalo na ngayong panahon ng eleksyon. Dahil iba ang kandidato natin, kinokontra na natin ang iba. Huwag po nating hayaang pagsabungin tayo ng mga politiko. Hindi sana masira ang ating pamilya, ang ating pagkakaibigan, ang ating mga grupo sa simbahan na magkaiba ang kandidatong isinusulong natin. Magkaibigan pa rin tayo, magkapatid pa rin at magka-brod magka-sis pa rin tayo kahit na iba ang kandidato natin. Huwag natin ituring ang iba na masama kasi iba ang binoto natin, basta lahat tayo hindi ipagbibili ang boto natin.

Ito rin ang nangyayari ngayon sa kaso ni Duterte. Bakit mag-away-away tayo dahil kay Duterte? Nasa korte na siya, hayaan na natin ang korte ang magpasya sa kanya. Huwag tayong magniwala sa gawa-gawang mga kwento at pahayag. Maging bukas lang tayo sa katotohanan at antayin ang paghuhusga sa kanya.

Pakikipagkasundo ang misyon ni Jesus, pakikipagkasundo sa Diyos at pakikipagsundo sa ating kapwa. Tanggapin natin ang Diyos at tanggapin natin ang ating kapwa. Ayawan natin ang anumang bagay o anumang pagyayari na maghiwalay sa atin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,417 total reads

 36,417 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,202 total reads

 72,202 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,036 total reads

 126,036 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,798 total reads

 187,798 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,538 total reads

 255,538 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 9, 2026

 8,316 total reads

 8,316 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 17,090 total reads

 17,090 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 18,802 total reads

 18,802 total reads 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 24,137 total reads

 24,137 total reads 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »
Scroll to Top