Ang “masamang balita” ng Jollibee sa Visita Iglesia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,224 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-10 ng Abril 2025
Larawan kuha ng may-akda.

Noong isang taon ko pa ito ibig ilathala nang aking makita sa harapan ng aming simbahan, ang Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima dito sa Valenzuela ang karatula ng pambansang bubuyog ukol sa Visita Iglesia. Sa aking panlasa, hindi bagay, hindi match ang mix na ito. Hindi ito “mabuting balita” ayon sa Jollibee.

Ako man po ay maka-Jollibee. Paborito ko ang kanilang palabok, pangalawa lamang ang Chicken Joy at pangatlo ang Champ bagaman ayoko po ng pagkaing mayroong pinya kaya inaalis ko ito sa dambuhala nilang langhap-sarap na burger.

Subalit tuwing mga Mahal na Araw lalo na noong isang taon, ako ay nalulungkot sa Jollibee. Marahil pati ang langit at maaring lumuluha sa lungkot ang mga anghel tuwing nakikita si Jollibee masayang-masaya kung Biyernes Santo kasi masama sa panlasa ang kanilang kampanya sa Visita-Iglesia.

Hindi yata Katoliko si Jollibee tulad ng karamihan sa ating mga Pilipino bagamat mayroong ilan silang mga tinadahan na binasbasan at minimisahan ng obispo at mga pari tuwing pinasisinayangan at nagdiriwang ng anibersaryo.

Larawan mula sa Facebook.

Noong isang araw aking nakita ang post sa Facebook ng maraming taong-simbahan kasama ilang mga pari na pinupuri ang Jollibee sa kanilang advertisement ng Visita Iglesia sa mga simbahan sa buong kapuluan kasama na kanilang mga tindahan mayroong mapa ng simbahang maaring puntahan upang manalangin at mag-peregrinasyon (pilgrimage po) kasama na ang pinaka-malapit sa kainan ng Jollibee. Marami ang pumuri sa Jollibee sa naturang kampanya. Sabi ng isang uploader, “Kudos kay Jollibee ah.. very catholic.”

Sorry po. Hindi po yata tama ang inyong caption. Sa unang tingin, tila maganda pero kung susuriin natin, mali. Hindi po ito Catholic practice dahil ito ay salungat sa hiling sa atin ng Simbahan noon pa mang simula na magkaroon ng pagsasakripisyo tuwing panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw.

Sa katunayan, ang turo ng Simbahan ay mag-ayuno tuwing Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo bilang pagninilay at pakikiisa sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesu-Kristo doon sa krus mahigit dalawang libong taon na ang nakalipas. Totoo na hindi na mamatay si Jesus at hindi naman nating kailangang malungkot at malumbay sa mga panahong ito ngunit, paano tayo makapagninilay at dasal ng taos kung nasa isip natin ang pagsasaya ng pagkain ng masasarap tuwing Mahal na Araw o Biyernes Santo?

Ipagpaumanhin po ninyo lalo ng mga kaibigan ko sa Jollibee, malinaw na ang kanilang Visita-Iglesia campaign ay commercialization ng ating banal na tradisyon at gawaing Katoliko. Sa halip na makatulong ang Jollibee kasama na ang iba pang mga fastfood chain na mayroong Lenten special meals sa paggunita ng mga Mahal na Araw na maranasan man lamang nating mga Filipino muli ang tunay na diwa ng Paskuwa ng Panginoong Jesus, ito ay kanilang winawasak. Hindi nga po tayo dapat kumain bilang bahagi ng panawagang mag-ayuno o fasting tuwing Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo. Ito ang hindi batid ng mga fastfood chain: tuwing sasapit ang Kuwaresma, palagi silang nag-aalok ng fish sandwich at iba pang pagkaing walang karne bilang bahagi ng fasting (edad 18-59) at abstinence.


Nasaan na ang panawagang mag-sakripisyo para sa mga banal na gawain ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw tulad ng Visita Iglesia kung ang hahantungan ay Jollibee o mga fastfood?

Inuulit ko po na wala tayong layuning siraan ang Jollibee na naghatid ng maraming karangalan sa ating bayan lalo na sa larangan ng pagkain at negosyo kung saan ay inilampaso ng isang bubuyog ang dambuhalang McDonalds ng Amerika pati na sa ibang bahagi ng Asya. Sa larangang ito ng panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw, sa aking pananaw ay lumabis ang Jollibee sa kanilang gimik na Visita-Iglesia. Sa katunayan, mayroon ako nabasa sa ibang bahagi na tinatawag nila itong “Bee-sita Iglesia.” Wala po sa hulog at pokus ang kanilang kampanya na tila mayroong pagkapagano dahil malapit na itong maging idolatry. Hindi magtatagal, baka ang darasalin na ng mga bata ay “Jollibee to the Father and to the Son and the Holy Spirit…”

Ang pinakamasakit sa lahat ay makita ang mga fastfood chain tuwing Biyernes Santo na umaapaw sa mga tao – daig pa mga simbahan – na tila wala na yatang pagpapahalaga sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesus para sa atin.

Batid ko po na pakaunti ng pakaunti ang mga mananampalataya na hindi na nag-aabstinensiya at ayuno tuwing Biyernes Santo. Magiging malala pa ito sa ganitong uri ng kampanya ng Jollibee tuwing Visita-Iglesia. HIndi ba sila maaring mangilin kung Biyernes Santo man lang? O, kahit mula alas-dose ng tanghali ng Biyernes Santo hanggang alas-singko ng hapon sa paglabas ng prusisyon? Hintayin man lamang sana ng mga fastfood chain at restaurant na “malibing” ang Panginoon bago sila magbukas ng tindahan nila.

Hindi ba malaking kabalintunaang makita sa araw ng ating pagninilay sa mga hirap ng Panginoong Jesu-Kristo ay naroon pa rin ang pagsasaya ng mga tao na para tayong mga pagano kumakain at nagsasaya?

Ang mga Mahal na Araw ay inilalaan upang magnilay ng taos sa ginawang pagliligtas sa atin ng Panginoon. Hindi naman natin ikamamatay ang hindi pagkain sa Jollibee ng isang raw lang tulad ng Biyernes Santo sa buong taon. At lalo namang hindi ipaghihirap at ikalulugi ng Jollibee sa sila man ay mangilin man lamang tuwing Biyernes Santo. Amen.

Larawan kuha ng may-akda, Kapilya ng Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 17 Marso 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 75,615 total reads

 75,615 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 178,146 total reads

 178,146 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 214,934 total reads

 214,934 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 245,509 total reads

 245,509 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 290,759 total reads

 290,759 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WORK OF LOVE

 13,283 total reads

 13,283 total reads Gospel Reading for August 14, 2026 – Matthew 19: 3-12 WORK OF LOVE Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it

Read More »

ENDLESSLY

 6,424 total reads

 6,424 total reads Gospel Reading for August 13, 2026 – Matthew 18: 21 – 19: 1 ENDLESSLY Peter approached Jesus and asked him, “Lord, if my

Read More »

SINCERE DIALOGUE

 7,988 total reads

 7,988 total reads Gospel Reading for August 12, 2026 – Matthew 18: 15-20 SINCERE DIALOGUE Jesus said to his disciples: “If your brother sins against you,

Read More »

ONLY ONE

 10,302 total reads

 10,302 total reads Gospel Reading for August 11, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10, 12-14 ONLY ONE The disciples approached Jesus and said, “Who is the

Read More »
Scroll to Top