Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Out-going President at CEO ng Radio Veritas, pinuri ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,455 total views

Pinuri ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang media arm ng Archdiocese of Manila sa patuloy na paglilingkod sa kabila ng mga hamong kinakaharap.

Ito ang mensahe ng nuncio sa 56th anniversary ng Radio Veritas sa April 20 sa pagdiriwang ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Batid ni Archbishop Brown sa kasaysayan ang papel na ginampanan ng himpilan lalo noong tinaguriang bloodless EDSA People Power Revolution.

“For more than a half-century, since the station was formally inaugurated, Radio Veritas has been faithful to its mission of proclaiming the truth even in the most difficult and challenging times,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

Kinilala rin ng arsobispo ang pagsusumikap ng himpilan na palawakin ang gawaing ebanghelisasyon gamit ang iba’t ibang uri ng media kung saan bukod sa Pilipinas ay naaabot din ang ibang panig ng mundo.

Kasabay ng pagdiriwang sa halos anim na dekada ng himpilan ay ang pagretiro naman ni Fr. Anton Pascual bilang President at Chief Executive Officer makalipas ang 20-taong paninilbihan sa media arm ng arkidiyosesis.

Simula sa Mayo 2025 magiging President, CEO ng Radio Veritas si Fr. Roy Bellen na kasalukuyang Vice President ng himpilan at director ng Office of Communication ng arkidiyosesis.

Pinuri at pinasalamat ni Archbishop Brown si Fr. Pascual sa kanyang masigasig na pangangasiwa sa media ministry ng simbahan gayundin ang kanyang mga panalangin para kay Fr. Bellen na magsisimula sa bagong tungkulin.

Pinaalalahanan ng nuncio ang mga kawani ng himpilan na patuloy pagsumikapang maisabuhay ang misyon sa simbahan na ipalaganap ang Mabuting Balita sa pamayanan.

“Let us thank God on this anniversary day for the gift of Radio Veritas and pray that it will always be faithful to its mission of transmitting the truth, the truth which is Veritas, in all time,” dagdag ng nuncio.

Ika-20 ng Abril 2025, ipagdiriwang ng Radio Veritas ang ika-56 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pamantasan Lungsod ng Maynila.

Magugunitang 1958 nang magtipon ang mga delegado ng Conventus Episcopaum, Asiae-Autro-Orientalis sa seminaryo ng University of Santo Tomas at tinalakay ang pagtayo ng istasyon ng radio sa pamamahala ng Simbahang Katolika bilang pamamaraan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita at katuruan ng Simbahan sa Silangang bahagi ng Asya at Oceania.

Abril 11, 1969 nang pormal na binuksan ang studio ng Radio Veritas sa Fairview Quezon City sa pangunguna ni His Eminence Antonio Cardinal Samore ang kinatawan ng Vatican katuwang ang noo’y Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Rufino Santos.

Binisita naman ng Kan’yang Kabanalan Paul VI ang Radio Veritas noong ika – 29 ng Nobyembre 1970 kung saan binasbasan ang gusali at mga namamahala sa himpilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 59,339 total views

 59,339 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 126,827 total views

 126,827 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 147,892 total views

 147,892 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 169,351 total views

 169,351 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 202,023 total views

 202,023 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top