CMSP, umaasang naging makabuluhan ang Philippine electoral agenda 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,208 total reads

Umaasa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na naging epektibo at makabuluhan ang naganap na Electoral Forum 2025 upang magabayan ang mga botante sa kasagraduhan o banal na tungkulin ng bawat isa sa nalalapit na halalan sa bansa.

Bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa Mayo ay nagkaloob ng electoral forum ang CMSP na tinaguriang CMSP’s Philippine Electoral Agenda 2025 “Boto ko, Pagasa ng Bayan Ko” noong ika-30 ng Abril, 2025 sa Mater Dei Auditorium ng St. Joseph’s College, Quezon City.

Layunin ng naganap na gawain na mabigyan ng pagkakataon ang ilang mga kandidato na makapagpakilala at ibahagi ang kanilang plataporma upang mabigyang ng pagkakataon ang mga botante na makapili ng karapat-dapat na ihalal sa lokal na pamahalaan sa nakatakdang eleksyon.

“Nagtipon tayo sa Electoral Forum na ito hindi lamang upang pag-usapan ang politika, kundi upang muling tuklasin ang banal nitong tungkulin. Sapagkat ayon kay Papa Francisco, “Ang mabuting politika ay paglilingkod sa kapayapaan”—isang kapayapaang nakaugat sa katarungan, katotohanan, at dangal ng bawat tao.” Bahagi ng CMSP.

Ayon sa CMCP ang nakatakdang halalan ay hindi lamang isang pampulitikang gawain kundi isang pagpapamalas sa mahalagang pananagutan moral at espirituwal ng bawat mamamayang Pilipino na kinakailangang seryosohin ng bawat isa.

Paliwanag ng CMSP, ang balota ay isang binhi ng pangakong kaharian ng Diyos kung saan tunay na naisusulong ang lipunang may habag, awa, at katarungang para sa lahat.

“Ang nalalapit na halalan sa 2025 ay hindi lamang isang pampulitikang kaganapan kundi isang sangandaan ng moral at espirituwal na pananagutan. Ang balota ay hindi sandata ng pansariling interes, kundi binhi ng Kaharian ng Diyos—paraan upang maitaguyod ang lipunang may katarungan, habag, at awa, ayon sa aral at pamumuhay ni Hesus.” Dagdag pa ng CMSP.

Kaugnay nito, bahagi rin ng panawagan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang patuloy na pananalangin upang gabayan ng Panginoon maging mga kandidato para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng isip at paninindigan para sa paglilingkod at pagiging isang tunay na lingkod ng bayan na magsusulong ng kabutihan ng bansa sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 11,852 total reads

 11,852 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 25,622 total reads

 25,622 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 54,652 total reads

 54,652 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 102,918 total reads

 102,918 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 125,007 total reads

 125,007 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 223,407 total reads

 223,407 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 11,853 total reads

 11,853 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 21,604 total reads

 21,604 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top