Kapakanan ng mga manggagawa, ipinagdarasal ni Pope Francis bago namayapa

SHARE THE TRUTH

 8,342 total views

Inilaan ng namapayapang si Pope Francis ang intensyon ng pananalangin para sa buwan ng Mayo para sa kapakanan at kalagayan ng mga manggagawa.

Bahagi ng panawagan ng yumaong punong pastol ng Simbahang Katolika ang pananalangin para sa pagkakaroon ng ligtas na working environment ng bawat manggagawa sa buong daigdig kung saan tuwina ring nabibigyang halaga ang dignidad ng bawat isa.

Ipinapanalangin rin ni Pope Francis ang pagbibigay ng makataong pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat manggagawa na nagsasakripisyo at nagsusumikap para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

May For working conditions Let us pray that through work, each person might find fulfillment, families might be sustained in dignity, and that society might be humanized.

Para sa buong taon ay naglalagtag ng iba’t ibang partikular na intensyon at layunin si Pope Francis kung saan kada buwan ay hinihiling ng Santo Papa ang pakikiisa sa pananalangin ng bawat isa.

May mga pagkakataon rin na nagdaragdag ng pangalawang hangarin o intensyon sa pananalangin ang Santo Papa na may kaugnayan sa kasalukuyang mga sitwasyon o mga agarang pangangailangan, tulad ng tulong sa sakuna o kalamidad sa iba’t ibang bansa.

Ipinagkatiwala ni Pope Francis ang mga intensyon na ito sa Pope’s Worldwide Prayer Network na isang organisasyon na nagsisikap na hikayatin ang mga Kristiyano na tumugon sa panawagan ng Santo Papa at palalimin ang kanilang pang-araw-araw na buhay pananalangin.

Napapanahon din ang inilaang intensyon sa pananalangin ni Pope Francis ngayong buwan ng Mayo sa magkaalinsabay na paggunita ng Pilipinas ang Labor Day o Araw ng Paggawa at paggunita kay San Jose Manggagawa, lingkod ng Diyos na kanyang inatasan ng isang napakahalagang gawain, hindi lamang ang pagkakarpentero kundi ang gawain na maging tagapag-alaga ng anak ng Diyos.
Sa social doctrine of the church, karapatan ng bawat manggagawa ang pagkalooban sila ng tamang sahod at benepisyo at hindi dapat samantalahin ang kanilang kahinaang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang manggagawa at bilang isang tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,899 total views

 9,899 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,563 total views

 42,563 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,709 total views

 47,709 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,886 total views

 89,886 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 105,400 total views

 105,400 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,964 total views

 3,964 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top