Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Abcede, buong pusong tinanggap na maging punong pastol ng Daet

SHARE THE TRUTH

 11,420 total views

Inihayag ni Daet Bishop Herman Abcede, RCJ na buong puso at kapakumbabaang tinatanggap ang tawag ng Panginoon sa paglilingkod bilang pastol sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa obispo tulad ng Mahal na Birhen na nagtiwala sa Panginoon at naging instrumento upang maisakatuparan ang plano ng Diyos ay ganito rin ang kanyang gagawin sa pagsisimula ng mga gawaing pagpapastol sa mahigit kalahating milyong katoliko sa diyosesis.

“Ganun nalang ang ating attitude like Mary, Joseph, Peter, standing infront of a call, big responsibility just have to humble ourselves and allow God to use us so that His plan would be realized,” pahayag ni Bishop Abcede sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng obispo na bilang relihiyosong bahagi ng Rogationist missionaries ay hindi kailanman sumagi sa isipan na magiging obispo na kaakibat ang malaking tungkulin sa simbahan at buong pamayanan.

Tinuran ni Bishop Abcede ang pagkakataong naitalaga at naluklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis lalo’t ngayong taon ay ipinagdiriwang ang ika – 50 anibersaryo ng pagkatatag na isang paanyaya sa nasasakupan na patuloy magbuklod tungo sa paglago ng kristiyanong pamayanan.

Binigyang diin ng obispo ang kanyang episcopal motto na ‘Rogate Ergo Dominum Messis’ na panawagan sa mga pari at layko na sama – samang maglalakbay sa pananalangin para sa pagyabong ng bokasyon at manggagawa sa ubasan ng Panginoon.

“Ang aking motto na ‘Rogate Ergo Dominum Messis’ I took it as an inspiration para sa aking ministry as bishop, I wanted people to become aware that we need to pray for more laborers, so that when we are touch we will be the one to answer of our prayer,” ani Bishop Abcede.

Samantala pinasalamatan ng obispo ang namayapang si Pope Francis na sa kabila ng matinding karamdaman ay hindi pinababayaan ang mga kawang nangangailangan ng pastol.

Matatandaang February 14 nang maospital si Pope Francis na tumagal ng mahigit isang buwan ngunit March 4 ay isinapubliko ng Vatican ang appointment ni Bishop Abcede bilang pastol ng Daet.

Ayon naman kay installing prelate Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon bagamat pumanaw si Pope Francis at kasalukuyang sede vacante ang Holy See ay nagpapatuloy pa rin ang ordinasyon at pagluklok ng mga obispo tanda ng pagiging buhay ng Diyos na nagsugo sa mga pastol.

“Bagamat wala tayong Holy Father ito’y nagpapakita ng continuity dito sa ating simbahan, we are a living church and God is there providing shepherds for us,” saad ni Archbishop Alarcon sa panayam ng Radio Veritas.

Nagsilbing co consecrator ni Archbishop Alarcon sa ordinasyon ni Bishop Abcede si Lipa Archbishop Gilbert Garcera at Parañaque Bishop Jesse Mercado na ginanap sa Most Holy Trinity Cathedral.

Magiging katuwang ni Bishop Abcede sa pagpapastol sa 30 mga parokya ang humigit kumulang sa 60 mga pari ng diyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 6,449 total views

 6,449 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 14,974 total views

 14,974 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 27,422 total views

 27,422 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 62,446 total views

 62,446 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 69,246 total views

 69,246 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top