Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CMSP, umaasang naging makabuluhan ang Philippine electoral agenda 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,149 total views

Umaasa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na naging epektibo at makabuluhan ang naganap na Electoral Forum 2025 upang magabayan ang mga botante sa kasagraduhan o banal na tungkulin ng bawat isa sa nalalapit na halalan sa bansa.

Bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa Mayo ay nagkaloob ng electoral forum ang CMSP na tinaguriang CMSP’s Philippine Electoral Agenda 2025 “Boto ko, Pagasa ng Bayan Ko” noong ika-30 ng Abril, 2025 sa Mater Dei Auditorium ng St. Joseph’s College, Quezon City.

Layunin ng naganap na gawain na mabigyan ng pagkakataon ang ilang mga kandidato na makapagpakilala at ibahagi ang kanilang plataporma upang mabigyang ng pagkakataon ang mga botante na makapili ng karapat-dapat na ihalal sa lokal na pamahalaan sa nakatakdang eleksyon.

“Nagtipon tayo sa Electoral Forum na ito hindi lamang upang pag-usapan ang politika, kundi upang muling tuklasin ang banal nitong tungkulin. Sapagkat ayon kay Papa Francisco, “Ang mabuting politika ay paglilingkod sa kapayapaan”—isang kapayapaang nakaugat sa katarungan, katotohanan, at dangal ng bawat tao.” Bahagi ng CMSP.

Ayon sa CMCP ang nakatakdang halalan ay hindi lamang isang pampulitikang gawain kundi isang pagpapamalas sa mahalagang pananagutan moral at espirituwal ng bawat mamamayang Pilipino na kinakailangang seryosohin ng bawat isa.

Paliwanag ng CMSP, ang balota ay isang binhi ng pangakong kaharian ng Diyos kung saan tunay na naisusulong ang lipunang may habag, awa, at katarungang para sa lahat.

“Ang nalalapit na halalan sa 2025 ay hindi lamang isang pampulitikang kaganapan kundi isang sangandaan ng moral at espirituwal na pananagutan. Ang balota ay hindi sandata ng pansariling interes, kundi binhi ng Kaharian ng Diyos—paraan upang maitaguyod ang lipunang may katarungan, habag, at awa, ayon sa aral at pamumuhay ni Hesus.” Dagdag pa ng CMSP.

Kaugnay nito, bahagi rin ng panawagan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang patuloy na pananalangin upang gabayan ng Panginoon maging mga kandidato para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng isip at paninindigan para sa paglilingkod at pagiging isang tunay na lingkod ng bayan na magsusulong ng kabutihan ng bansa sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 64,349 total views

 64,349 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 131,837 total views

 131,837 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 152,902 total views

 152,902 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 174,191 total views

 174,191 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 206,436 total views

 206,436 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top