Labanan ang kasinungalingan sa darating na halalan, panawagan ng CMSP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,216 total views

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa bawat mamamayan na magkaisa para sa iisang adhikain para sa nalalapit na halalan sa bansa.

Ayon sa CMSP, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat lalo na ang mga kabataan at mga taong Simbahan upang manindigan bilang tagapaghatid ng pag-asa at tagapangalaga ng katotohanan sa gitna ng patuloy na pagkakahati-hati ng lahat dahil sa paglaganap ng kasinungalingan ng lipunan.

“Sa panahong ang pagkakahati-hati ay lason sa pag-uusap, ang kasinungalingan ay lumalambong sa katotohanan, at ang takot ay sumasakal sa pananampalataya, tinatawag namin ang aming kapwa mamamayan—lalo na ang kabataan at ang mga taong simbahan—na tumindig bilang tagapaghatid ng pag-asa at tagapangalaga ng katotohanan.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Nanawagan naman ang CMSP sa mga kandidato upang tunay na mamuno at maglingkod ng may integridad, at kababaang-loob para sa kapakanan at kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

“Nanawagan kami sa mga kandidato: Huwag ninyong samantalahin ang aming sakit. Huwag ninyong galitin o guluhin ang aming takot. Sa halip, mamuno kayo nang may integridad, kababaang-loob, at puso ng tunay na lingkod.” Dagdag pa ng CMSP.

Partikular ding nanawagan ang CMSP sa iba pang mga komunidad at mga lingkod ng Simbahan na patuloy na mangaral at magsilbing gabay para sa bawat mamamayan lalo sa pagbabahagi ng mga kaalaman kung paano pumili ng karapat-dapat na ihalal para sa nalalapit na halalan.

“Nanawagan kami sa Simbahan at mga komunidad relihiyoso: Mangaral ukol sa katarungan. Turuan ang bayan. Samahan sila. Maging mapagmatyag at propetiko. Gawing pugad ng paninindigan at lakas ang ating mga kapilya at kumbento, mga paaralan at misyon.” Ayon pa sa CMSP.

Una ng umapela ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na patuloy na ipanalangin ang paggabay ng Panginoon maging mga kandidato at maging sa mga botante para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng isip at paninindigan para sa kapakanan, kabutihan, at kinabukasan ng buong bansa.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections habang aabot naman sa mahigit 18,200 ang kinakailangang ihalal na mga bagong opisyal ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,233 total views

 11,233 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,385 total views

 34,385 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,498 total views

 104,498 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,111 total views

 179,111 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,434 total views

 258,434 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 3,654 total views

 3,654 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top