Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Military Bishop, may gentle reminder sa mga driver

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,979 total views

Umapela si Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga driver na maging maingat sa pagmamaneho ng anumang uri ng sasakyan upang maiwasan ang mga sakuna.

Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng Road Safety Month ngayong Mayo kung saan sunod-sunod din ang mga naitalang vehicular accident na kumitil ng buhay ng maraming indibidwal.

Tinuran ni Bishop Florencio ang summer season kung saan dagsa ang mga tao sa lansangan at iba pang pampublikong lugar kaya’t dapat na maging mapagmatyag sa daan lalo na ang mga driver.

“Gentle reminder lang for our drivers, always take some extra care now that summer is here let’s be more cautious in our driving skills. Prevention is better. Many people are on vacation going to airports, seaports and terminals or even on roads. We don’t want that our excitement for vacation lead us to some horrible scenarios,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Bukod sa pag-iingat binigyang diin ng obispo ang pananalangin habang nasa daan upang iadya sa mga masasama at anumang uri ng kapahamakan.

“Most of all don’t forget to pray and asking our guardian angels to spare us from these evils,” dagdag ni Bishop Florencio.

Noong May 1 nangyari ang malagim na multi-vehicle collision sa NLEX toll booth sa Tarlac na ikinasawi ng 10 katao kabilang na ang apat na mga bata habang nasugatan naman ang 37 iba pang katao.

Nitong May 4, dalawang katao naman ang nasawi kabilang ang isang limang taong gulang na bata at apat ang napinsala nang mawalan ng kontrol ang driver ng sports utility vehicle (SUV) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Paranaque City.

Sa datos ng Department of Health ikinabahala nitong nasa 12, 000 Filipino ang nasasawi kada taon dahil sa road crash kung saan ayon sa Philippine Statistics Authority ito ang ika – 12 dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas.

Tema ng Road Safety Month campaign ngayong taon na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang “Drive to Protect: Safe Streets, Safe Children” na tugma naman sa inisyatibong “Stop Road Crash” ng LTO.

Ang kampanya ay nakabatay sa Philippine Road Safety Action Plan 2023–2028 na inilunsad ng DOTR katuwang ang World Health Organization (WHO) na layong mabawasan ng 35 porsyento ang road traffic death na ayon sa WHO nasa 1.3 milyong katao ang nasasawi sa mundo kada taon dahil sa road crash.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 34,141 total views

 34,141 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 79,864 total views

 79,864 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 82,074 total views

 82,074 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 154,226 total views

 154,226 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 164,369 total views

 164,369 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top