5,332 total views
Hinimok ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr ang mga mananampalataya na patuloy na isabuhay ang mga nasimulan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa pagkalinga sa mga mahihirap at pagsusulong sa makataong ekonomiya.
Umaasa ang Obispo na hindi kakalimutan ng mga mananampalataya na pagtuunan ng pansin ang bawat mahihirap katulad ng simbahan sa sinodo ay samang-samang umunlad bilang isang sambayanan.
“There’s no turning back, we already identified our Diocesan Directions and Pathways and ito ay naayos sa mga adhikain ng ating Mahal na Santo Papa para sa mga mahihirap, the Church is inclusive not only those found in the physical peripheries, not only in the existing geographic peripheries, ,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Ayuban.
Kasabay nito, panalangin din ng Obispo ang paggabay ng Panginoon sa sanlibutan upang maisabuhay pa sa lipunan at maging daluyan ang mga mananampalataya ng higit na pagsusulong ng mga adbokasiya ng yumaong Santo Papa tungo sa pagpapabuti ng estado ng katarungan, kapayapaan, pagkakapantay-pantay at pakikipag-kapwa tao.
“Yung mga pamilya na kailangan ng ilaw ng ebanghelyo, yung mga hindi nakakaramdam ng sila’y kabilang sa simbahan, anybody who needs the light of Christ, should be included in this Synodal and Inclusive church para sa ekonomiya na kailangan din mayroong mga pagbabagong mangyari to be an economy more than for those who are neglected and forgotten so ito ay-yun din ang hanap ng ating Panginoon at there’s no other way to carry out to continue this beautiful this beautiful journey together going towards the kingdom of God, the kingdom of Peace, justice, equality, inclusivity and compassion,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Ayuban.
Bago pumanaw, naitalaga ni Pope Francis ang prayer intention sa buong buwan ng Mayo para sa mga Manggagawa at pamilya na kanilang sinusuportahan upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamumuhay na mayroong dignidad.
Naitalaga din ng simbahan ang May 01 hanggang May 04 bilang Jubilee for Workers sa buong mundo bilang pagdiriwang ng simbahan ng Jubilee Year 2025 sa temang ‘Pilgrims of Hope’.






