Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,540 total reads

Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni Pope Paul VI halos limampung taon na ang nakararaan. 

Fast forward sa panahon natin ngayon, nananatiling malakas ang panawagan ng ating Simbahan para maghari ang kapayapaan sa ating mundo. Sa kanyang unang araw ng Linggo ng pagharap sa mga mananampalataya sa St Peter’s Square, pinuná ni Pope Leo XIV ang mga alingasngas ng ikatlong digmaang pandaigdig. Nataon ang pahayag niyang ito sa ikawalumpung taóng anibersaryo ng World War II. Ang malagim na yugtong ito sa kasaysayan ng mundo ay nag-iwan ng 60 milyong kataong patay. Ayaw na nating itong maulit. “No more war!” pagsusumamo ng bago nating Santo Papa. 

Pero patuloy ang digmaan sa iba’t ibang lugar. 

Mahigit tatlong taon na ang marahas na pananakop ng Russia sa Ukraine, bagay na pilit pinipigilan ng Ukraine sa tulong ng mga bansang kaalyado nito. Iginigiit kasi ng Russia na teritoryo nito ang ilang bahagi ng Ukraine. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hinamon ng presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ang pangulo ng Russia na si Vladimir Putin na harapin siya sa bansang Turkiye para pag-usapan na kung paano tatapusin ang giyera. Bukás daw si Pangulong Zelensky na makipag-usap sa pinuno ng Russia kung papayag ang huli na magkaroon ng ceasefire o tigil-putukan. Ceasefire din ang gustong mangyari ng mga maiimpluwensyang bansa sa Europa. Suportado naman ng Estados Unidos ang pag-uusap ng mga lider ng mga nagkakairingang bansa. Libu-libong buhay na ang nawala dahil sa pananakop: mahigit 230,000 katao na sa panig ng Russia at mahigit 70,000 naman sa panig ng Ukraine.

Samantala, patuloy din ang paghahasik ng lagim ng Israel sa Gaza Strip. Deka-dekada na ang hidwaan ng mga Israeli at mga Palestinians na nag-aagawan din sa teritoryo, pero lumalâ ito noong 2023 matapos atakihin ng grupong Hamas ang isang music festival sa Israel. Sa halip na tugisin ang mga miyembro ng Hamas, kinubkob ng Israel ang Gaza. Halos pulbusin na ng pambobomba ng Israel ang Gaza. Kahit mga paaralan at ospital, hindi pinalampas. Ang mga bata, babae, at matatanda, kasama sa mga tinatarget. Lantarang genocide o malawakang pagpatay na sa mga sibilyan ang nangyayari sa Gaza. Kontrolado ng Israel ang mga daang papasók sa Gaza kaya hindi makarating ang pagkain, tubig, gamot, at gasolina sa mga nangangailangan. Sa tala ng gobyerno ng Gaza, hindi bababa sa 50,000 na Palestino na ang napatay—o sadyang pinatay.

Kamakailan, tumaas naman ang tensyon sa pagitan ng India at Pakistan, dalawang bansang may matagal na ring isyu sa pinag-aagawang teritoryo. Nagpalitan ng atake ang dalawang bansa pagkatapos mapatay ang 26 na Hindu tourists sa Kashmir na nasa ilalim ng kontrol ng India. Inatake naman ng India ang tinawag nilang “terrorist infrastructure” sa Kashmir na nasa ilalim naman ng kontrol ng Pakistan. Mula noon sunud-sunod ang palitan ng putukan, drone attacks, at pambobomba ng dalawang bansa. Nakatatakot na mauwi sa giyera ang hidwaan ng India at Pakistan dahil kapwa silang may kakayahang gumamit ng nuclear weapons. Sa panghihimasok ng Amerika, nagkasundo ang dalawang bansa na magkaroon ng ceasefire, pero may mga pagsabog pa ring isinasagawa ang magkabilang panig.

Mga Kapanalig, kahit malayo tayo sa mga bansang may kaguluhan, tandaan nating maaapektuhan pa rin tayo ng mga pangyayari doon—magkakaugnay ang ating mga ekonomiya, magkakarugtong ang ating pulitika, at magkakapatid tayo sa mata ng Diyos. Samahan natin si Pope Leo XIV sa pagdarasal para maghari ang kapayapaan at, ‘ika nga sa Isaias 2:4, para ang “mga bansa’y ‘di na mag-aaway at sa pakikidigma’y ‘di na magsasanay.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 123,905 total reads

 123,905 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,234 total reads

 157,234 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,378 total reads

 189,378 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,441 total reads

 255,441 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 266,696 total reads

 266,696 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 123,906 total reads

 123,906 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,235 total reads

 157,235 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,379 total reads

 189,379 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,442 total reads

 255,442 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top