Agarang pagkilos sa krisis sa kapaligiran, hamon ng FABC sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,780 total reads

Nanawagan ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) ng mas pinaigting na pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ at ng pagdiriwang sa Taon ng Jubileo ng Pag-asa.

Ngayong araw, May 24, 2025, ginugunita ang isang dekada mula nang lagdaan ni Pope Francis ang kauna-unahang ensiklikal na nakatuon sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Nakasaad sa FABC Pastoral Letter na “A Call to Ecological Conversion,” na inilabas noong March 15, 2025, muling iginiit ng mga obispo sa Asya ang matinding krisis sa kapaligiran bilang hamon sa pananampalataya at panawagan sa pagbabalik-loob.

Binigyang-diin sa liham ang patuloy na pagkasira ng kagubatan, polusyon sa hangin, krisis sa tubig, at matinding epekto ng pagbabago ng klima—na higit na nagpapahirap sa mga dukha.

“These ecological tragedies affect Asia’s poorest and most vulnerable communities…In this time of the Jubilee, these afflictions call us to repentance, conversion, and a deeper commitment to our shared responsibility, as stewards of God’s creation,” ayon sa FABC.

Gayunman, tinukoy ng kapulungan ang mga palatandaan ng pag-asa tulad ng mga inisyatibong pangpamayanan, pakikilahok ng kabataan, at pagtutulungan ng iba’t ibang pananampalataya sa adbokasiya para sa kalikasan.

Hinimok din ng FABC ang mga Simbahan sa Asya na maglunsad ng mga programang ekolohikal, pagpapanibago ng espiritwalidad, at pakikilahok sa mga pandaigdigang pagkilos tulad ng isasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties (COP30) sa Belem, Brazil sa November 10-21, 2025.

Bahagi rin ng panawagan ang pagsusulong ng mas makatarungang batas sa kalikasan, sapat na pondo para sa mga nasalanta ng kalamidad at sakuna, at pagsusuri sa mga sistemang pampinansyal na nagpapalala sa kahirapan ng mga umuunlad na bansa.

“Let us ensure that the voices of the most vulnerable are heard and that the call for justice resonates strongly, especially in the context of our shared Christian responsibility to care for the earth and all its inhabitants,” dagdag ng pahayag.

Sa huli, inaanyayahan ng FABC ang mga mananampalataya na gawing panahon ng pagninilay at pagbabalik-loob ang Season of Creation—mula September 1 (World Day of Prayer for the Care of Creation) hanggang October 4 (Kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan), bilang pakikiisa sa Jubilee Year of Hope 2025 at tugon sa hamon ng Panginoon na pangalagaan at pagyabungin ang Kanyang mga nilikha.

“Let us walk the Pilgrimage of Hope together, responding with faith and courage. We trust that Christ walks with us, renewing the face of the earth through our collective efforts,” saad ng FABC.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,821 total reads

 17,821 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,422 total reads

 38,422 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 108,480 total reads

 108,480 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,848 total reads

 193,848 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 240,584 total reads

 240,584 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 288,456 total reads

 288,456 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,842 total reads

 386,842 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 171,949 total reads

 171,949 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top