Anong solusyon sa edukasyon?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,065 total reads

Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat sa materyal o pinansyal na pamantayan. Ang tinawag niyang integral human development ay sumasaklaw sa pagyabong ng buong tao–pisikal, emosyonal, espirituwal, at moral. Dagdag niya, mahalaga ang gampanin ng edukasyon sa pagkamit ng integral human development.

Paano nga lang kung mismong edukasyon na ang nangangailangan ng pag-unlad? Nahaharap ngayon ang Pilipinas sa isang malalang krisis ng edukasyon. Batay sa Year 2 Report ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II, iba’t ibang suliranin ang dapat bigyang-pansin ng pamahalaan at ng mga institusyon para tugunan ang krisis sa edukasyon. May tatlong bagay tayong tututukan.

Una ay ang tama at malusog na nutrisyon at pangangatawan ng mga mag-aaral, partikular ng mga batang musmos. Batay sa EDCOM Report, 25% o isa sa bawat apat na batang tatlo hanggang limang taóng gulang lang ang nakakatanggap ng tamang nutrisyon. Kaugnay ito sa suliraning inilatag ng report na malaki ang kakulangan sa pagbibigay-tuon sa Early Childhood Care and Development na mahalaga sa paghubog ng pag-iisip at pagkatuto ng basic literacy at numerical competencies.

Pangalawa ay ang matinding kakulangan sa textbooks, sa mga pasilidad katulad ng classrooms, at sa mga guro. Ayon sa EDCOM II Report, ang mga nasa Grade 5 at Grade 6 lamang ang may kumpletong set ng mga textbooks. Ang kapasidad ng mga classrooms ay lagpas na sa ideyal na 25 hanggang 45 na estudyante. Nasa 62% ng mga guro ay nagtuturo ng mga subjects na hindi nila specialization o college major. Sa mga datos na ito, nakikita natin ang malalaking agwat sa mga pangunahing sangkap na nakatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

At panghuli ay ang laganap na bullying sa mga paaralan. Batay sa report, 65% ng mga mag-aaral ang nakararanas ng bullying sa paaralan mahigit isang beses sa isang buwan. Isa itong nakalulungkot na realidad dahil nakaaapekto ang bullying sa academic performance ng mga estudyante. Physical bullying ang karaniwang uri ng bullying, at mayroon ding verbal, mental, at cyberbullying na nagaganap.

Hindi natin maiiwasang mabahala sa kalagayan ng ating education system. Ayon sa muli sa katuruan ni Pope Benedict XVI tungkol sa integral human development, dapat natin muling suriin kung para saan o para kanino ba ang ating edukasyon. Sa konteksto ng ating edukasyon, mariing pinaalalahanan tayo ng yumaong Santo Papa na ang layunin ng ating edukasyon ay dapat nakatuon sa paghubog ng ating pagkatao. Nag-aaral tayo hindi lamang para maging mga empleyado o propesyonal na sumusuweldo. Hindi! Ang higit na layunin ng edukasyon ay ang hubugin tayo bilang mga taong mabuti, marunong, at matuwid.

Matutugunan lamang natin ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon kung sa kabuuang perspektibo natin ito makikita: nakakakain ang mga estudyante ng masusustansyang pagkain sa isang maayos na tahanan, nagagabayan sila ng mahuhusay na guro sa magiginhawang silid-aralan, at walang silang pangamba na ma-bully sa kanilang paaralan.

Mga Kapanalig, maging realidad nawa ang mga hangarin nating ito para sa edukasyon ng ating kabataan. Makiisa tayo sa pagbubuo ng isang uri ng edukasyong makatao, maayos, at may malasakit nang yumabong ang kaisipan at puso ng ating kabataan. Sikapin natin, sa pangunguna ng ating gobyerno, na magkaroon ng edukasyon ang kabataang Pilipino na huhubog sa kanila para maging mga aktibong mamamayan at mabubuting tao. Tayo naman sa Simbahan ay mag-aambag sa paghubog ng mga matatalinong Kristiyano dahil ayon nga sa Kawikaan 22:6, “sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran.”

Sumainyo ang katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 19,018 total reads

 19,018 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 19,289 total reads

 19,289 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 41,246 total reads

 41,246 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,699 total reads

 162,699 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,061 total reads

 213,061 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,118 total reads

 340,118 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 423,476 total reads

 423,476 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 41,247 total reads

 41,247 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,700 total reads

 162,700 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,062 total reads

 213,062 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,119 total reads

 340,119 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top