TOO MUCH GENERAL EDUCATION

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 122,988 total reads

Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig?

Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi mareresolbang kakulangan ng mga classroom, mga guro.,hindi pantay na teachers-to-students ratio.,mga hindi akma at mali-maling teaching materials., kakulangan ng compentency sa pagtuturo ng mga guro., maling education policies tulad ng implementasyon ng K12 program., at laganap na korupsyon sa pondong nakalaan para sa pagpapataas ng antas ng edukasyon.,

Sa nakalipas na buwan ng Mayo 2025, nabunyag sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), 18-milyong Junior high school graduates ay nahihirapan sa comprehension o umunawa.

Kapanalig, lagapak o napakababa ng antas ng functional literacy sa Pilipinas. Ang ugat daw nito ay kahirapan.

Wala pang solusyon sa mga nasabing problema., Nadagdag na naman ang isa pang suliranin… lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Developmental Studies (PIDS) na ang mga kurso o college courses sa Pilipinas ay “Too much general education, not enough practical training”. Sinasabi ng PIDS, ang Filipino college degrees ay mataas naman sa global norms… pero kulang sa internships.

Natuklasan sa PIDS report na ilan sa mga GE competencies na itinuturo sa kolehiyo ay bahagi din ng Senior High School curriculum. Nagdulot ng seryosong alalahanin sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang kakulangan sa practical training ng college courses sa Pilipinas. Ang tugon ng EDCOM 2… Magtulungan ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na ilagay ang mahahalagang GE competencies sa Senior High School curriculum… sa pamamagitan nito, mabawasan ang load sa college programs at maalis na ang redundancy o kalabisan at makapag-focus ang mga college student sa specialized at practical subjects na naayon sa global demand. Napaka-importante Kapanalig sa pagkamit ng reporma ay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng DepEd at CHED.. Walang lugar dito ang pagalingan at agawan ng kinang…

Dahil sa pag-aaral, saka pa lamang napagtanto ng mga opisyal ng CHED at DepEd na lahat ng graduates ng higher education ay minor sa GE subjects dahil umulit ang configuration ng exit courses.Dahil sa incompetency ng mga education official, ang mga estudyanteng Pilipino ay lamang ng 12-units kumpara sa requirements ng mga mag-aaral sa ASEAN, Australia at European Union.

Ang resulta Kapanalig, ire-revised o babaguhin na naman ang SHS curriculum…Magiging problema na naman, mahihirapan na namang makapagtapos ang mga estudyante sa daming idinagdag na GE competencies. Napapanahon na alamin ng CHED at DepEd kung ano-ano ang kailangan ng mga estudyante sa kolehiyo kasabay ng pagbibigay daan at suporta sa kanilang kagustuhan.Importante din na tiyakin ng CHED at DepEd ang “seamless” na transition mula sa basic patungong higher education.

Kapanalig, ika nga sa “Proverbs 9:9 “Give instruction to a wise man and he will be still wiser, teach a righteous man and he will increase his learning.”

Sa ating mga education official, gawing inspirasyon ang sinasabi ni American Polymath Benjamin Franklin “An investment in knowledge pays the best interest.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 121,304 total reads

 121,304 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 197,032 total reads

 197,032 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 230,480 total reads

 230,480 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 265,779 total reads

 265,779 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 487,528 total reads

 487,528 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 121,305 total reads

 121,305 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 197,033 total reads

 197,033 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 230,481 total reads

 230,481 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 265,780 total reads

 265,780 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top