Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,886 total views

Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C
Basic Ecclesial Community Sunday
Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15

Kapag tayo ang nanonood ng TV o anumang palabas sa YouTube o sa Tiktok, kapag may nakita tayo na isang manlalaro, o isang politiko, o isang tao na nag-aantanda ng krus, sinasabi natin na siya ay Katoliko. Ang mag-aantada ng krus ay isang pahiwatig ng ating pananampalataya sa iisang Diyos na Ama, Anak at Espiritu Santo. Ito ay pangkaraniwang gawain ng mga Katoliko. Ginagawa natin ito kasi ito ay isang maiksing dasal. Ang tinatanda ng ating kamay ay krus. Inaala-ala natin na tayo ay iniligtas ng pagkamatay ni Jesus sa Krus. Kinukrusan natin ang ating katawan. Ang sinasabi ng ating bibig ay “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Kinikilala natin kung sino ang Diyos na nagliligtas sa atin. Ang krus ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin na siya ay namatay sa krus para sa atin. Ang Diyos na ito ay Isa’tlong Diyos – Isa at Tatlo, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Huwag po natin itago o ikahiya ang pag-aantanda ng Krus. Malalim po ang katotohanan na pinapahiwatig nito.

Ngayong Linggo po ay ipinagdiriwang natin ang ating Isang Tatlong Diyos. Iisa nga ang Diyos pero ang isang Diyos na ito ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Paano natin ito nalaman? Dahil sa pagpapahayag ni Jesukristo, ang Diyos Anak na naging tao. Hindi naman natin ito malalaman kung hindi sinabi sa atin ni Jesus. Narinig natin sa ating ebanghelyo ang sinabi ni Jesus: “Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo na maunawaan ang buong katotohanan…. Sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo…Ang lahat ng sa Ama ay akin.” Dito narinig natin ang tatlo, ang Espiritu Santo na magpapaunawa, si Jesus na nagsasalita ng katotohanan at ang Ama na pinanggalingan ng lahat ng katotohanan. Tatlo sila pero iisa lang ang kanilang pagkilos. Iyan din ang ating narinig sa sinulat ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Ang nagpawalang sala sa atin ay ang ating pananalig kay Jesukristo. Sa pamamagitan ni Jesus tinatamasa natin ang kagandahang loob ng Diyos Ama. Ang kagandahang loob na ito ay ibinubuhos sa ating puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nandiyan uli ang Isa’tlo.

May kaugnayan tayo sa bawat isang persona ng Diyos. Ang Ama ni Jesus ay Ama din natin. Bilang Ama, pangangalagaan niya tayo. Hindi siya magpapabaya sa atin. Siya ang pinanggalingan ng lahat ng kabutihan. Ang Diyos Anak ay ating kapatid. Naging tao siya. Naging tulad siya sa atin. Masusundan natin si Jesukristo kasi tao siya tulad natin. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa atin ng kakayahan na mahalin ang Diyos sa pagsunod natin sa kanyang mga utos. Hindi natin masasabi na hindi natin kayang matularan si Jesus. Ang kanyang Espiritu ay kumikilos sa atin.

Ang Diyos ay iisa at magkaiba. Iisa sila sa pagiging Diyos. Pero iba ang Diyos Ama, kaysa Diyos Anak, kaysa Diyos Espiritu. Ang kanilang pagiging isa ay hindi bumura sa kanilang pagkakaiba. Ganoon din, ang kanilang pagkakaiba ay hindi naging hadlang sa kanilang pagiging isa. Kahit magkaiba pa sila nagiging isa sila sa kanilang sama-samang pagmamahalan at pagkilos.

Ito po ay isang hiwaga. Ito ay misterio. Ang ibig sabihin nito ay hindi natin itong lubos na maunawaan, pero inaanyayahan tayo ng misterio na makiisa. Pagsikapan nating isabuhay ang misterio at hindi gaano unawain lamang. Paano natin ito maisasabuhay? Sa ating pakikiisa sa Diyos. Mahalin at paglingkuran natin ang ating Diyos Ama, sundin natin si Jesus na Diyos Anak na naging tao, at hayaan nating magpadala tayo sa udyok ng Espiritu Santo. Palagi siyang kumikilos sa ating buhay.

Maisasabuhay din natin ang misterio ng Isa’tlo sa ating pakikiisa sa simbahan. Ang pinakamaliit na unit ng simbahan ay ang BEC – Basic Ecclesial Community – o ang Kriska, ang Kristiyanong Kapitbahayan. Ito ay binubuo ng mga sampu o dalawampung pamilya na magkapitbahay. Dahil sa sila ay magkapitbahay, madaling magsama. Kaya nagkakaisa sila sa pagdarasal, nagkakaisa sa pagtutulungan, at nagkakaisa sa pagbabahaginan ng kanilang karanasang Kristiyano. Tulad ng Isa’tlong Diyos, ang bawat miyembro ng Kriska ay magkaiba. Ang iba ay bata, ang iba ay lolo na, ang iba ay nag-aaral, ang iba ay nagtratrabaho sa opisina at ang iba naman ay nasa bahay lang. Kahit na magkaiba, sila ay nagkakaisa. Sila ay nagtutulungan sa kanilang buhay at sa kanilang pananampalataya. Kaya nga taon-taon tuwing kapistahan ng Isa’tlong Diyos, iyan din ang BEC Sunday. Ang ating Isang-Tatlong Diyos ay ang inspirasyon at huwaran ng ating mga Kriska o BEC – magkaiba ngunit nagkakaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 8,154 total views

 8,154 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,642 total views

 75,642 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,707 total views

 96,707 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,480 total views

 119,480 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 156,498 total views

 156,498 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily June 21, 2026

 8,301 total views

 8,301 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »

Homily June 14, 2026

 13,342 total views

 13,342 total views 11th Sunday in Ordinary Time Cycle A Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8 Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay

Read More »

Homily June 7, 2026

 16,871 total views

 16,871 total views Corpus Christi Cycle A Dt 8:2-3.14-16 1 Cor 10:16-17 Jn 6:51-58 Ang isang katangi-tanging tanda ng ating pagiging Katoliko ay ang pagtanggap natin

Read More »

Homily May 31 2026

 23,422 total views

 23,422 total views Holy Trinity Sunday Cycle A BEC Sunday Ex 34:4-6.8-9 2 Cor 13:11-13 Jn 3:16-18 Kung hindi natin kilala ang isang tao, hindi tayo

Read More »
Scroll to Top