Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 130,594 total views

Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo.

Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira ang kinabukasan., nasira ang pamilya., dahil sa sugal, tumataas ang kaso ng krimen, tumataas din ang antas ng kahirapan. Ang adik sa sugal, gagawa ng kahit anong paraan maging ito ay iligal, magkaroon lamang ng pantaya.

Maraming uri ng sugal na iligal sa batas, tulad ng sabong, jueteng, masio, last two, jai alai, horse racing kabilang na ang bookie operations, game fixing, numbers, bingo…ang nakakalungkot lang Kapanalig, kung mayroong iligal na sugal, marami namang sugal ang legal, na mismong pinamamahalaan ng PSCO at PAGCOR. Di ba Kapanalig, kung bawal ang sugal., lahat dapat ay bawal? Gustong alisin ng pamahalaan ang jueteng., pinalitan naman ito ng lotto.,kung iligal ang bingo sa mga kalsada, legal naman ito sa mga casino.

Ang dating pangulong Joseph Estrada ay na-impeach dahil tumanggap ito ng jueteng payola., inimbestigahan sa Senado ang jueteng operations ng mga Pineda na sinasabing protector ang mga lokal na opisyal at opisyal ng PNP., pero hindi napatunayan na jueteng lords ang mag-asawa, hindi rin natukoy ang kanilang kasabwat na opisyal ng pamahalaan at PNP.

Dahil sa COVID 19 pandemic, namayagpag ang online sabong, dumami ang naging adik sa sugal. Marami ding sabong operators ang naging biktima ng kidnapping at summary execution. Sumikat din ang Philippine Offshore Gaming Operations(POGO) kung saan sumikat ang Chinese national si Alice Guo, mga kaalyado ng dating pangulong Rodrigo Duterte tulad ni dating Presidential spokesman na si Harry Roque na wanted sa batas.Ipinagbawal ng pamahalaan ang POGO, dahil naging ugat ito ng iba’t-ibang krimen, drug trafficking, human trafficking, prostitusyon..bawal ang online gaming?

Pero ikinaalarma ni Pablo Virgilio Cardinal David, ang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan ang pamamayagpag ng online gaming., gamit ang e-wallet, walang kahirap-hirap na makapasok ang isang sugarol sa gambling sites at mga apps. Kapanalig gamit ang e-wallet, madali lang maa-access ng sinuman ang libo-libong uri ng sugal na naka-link sa app. Maging ang Kongreso, naalarma sa dumaraming Pilipino na nalululong sa online gambling.

Nakakatakot ang accessibility ng online gaming sa e-wallet, peligro ito sa mga mahihirap na Pilipino Kapanalig, isusugal nila ang pinaghirapan sa hangarin na lumaki pa ito.

Kung gaano kadali ma-access ang mga gambling platforms sa e-wallet., ang gagawin ng e-wallet users, magload., magtop-up kung magkanong halaga ang gagamitin sa sugal., Kapag, wala ka nang pangload., nagbibigay din ang gambling platforms ng loans., puwede kang mag-loan… Nakakalungkot Kapanalig, hindi ka lang magiging gambling addict., ibabaon ka pa sa utang?

Bakit hindi ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang anumang uri ng electronic payment system at gamitin sa online gambling ang e-wallets? Dapat kumilos din ang PAGCOR at Games and Amusement Board (GAB) para kanselahin ang lisensiya ng mga online gambling operator na sangkot dito.

Hindi itinuturing sa Catechism No.2404, na ang gambling o “game of chance” na, not intrinsically evil. However, a person may only engage in these activities with a strict adherence to virtue.Sinasabi ng Catechism of the Catholic Church na ang “Games of chance [or gambling]… become morally unacceptable when they deprive someone of what is necessary to provide for his needs and those of others.”

Ipinapaalala din ng Kapanalig ng Proverbs 22:7 “The rich rule over the poor, and the borrower is slave to the lender.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 13,505 total views

 13,505 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,617 total views

 83,617 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,231 total views

 158,231 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,310 total views

 238,310 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,049 total views

 281,049 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 13,506 total views

 13,506 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,618 total views

 83,618 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,232 total views

 158,232 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,311 total views

 238,311 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top