Taumbayan, hinimok na makiisa sa LAKADASAL para sa kalikasan at buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Hinimok ng mga Pari at Laykong Laudato Si ang mamamayan na makiisa sa gaganaping “Lakadasal” para sa buhay at kalikasan ngayong araw.

Ayon kay Fr. Raul Enriquez, layon nitong ipanawagan ang kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Ipinaliwanag ng pari na mahabang panahon nang inalipin ng mga mining companies ang Pilipinas, at ngayon lamang nagkaroon ng kalihim ang pamahalaan na handang manindigan para sa kalikasan.

Iginiit ng pari na hindi ito ginagawa ng makakalikasang grupo para kay Lopez, kundi para sa pangangalaga ng kalikasan at ikabubuti ng mga residenteng apektado ng labis na pagmimina sa bansa.

“Tayo na ngayo’y hirap na hirap na sa ating inaamoy, sirang sira na ang kalikasan. Lasong- lason na ang samu’t saring buhay, wala na tayong tatakbuhan, may mga bagay na hindi natin kayang i-repair, o i-rehab, kailangan talagang yung atin pang masasalba ay gawin na natin ngayon.” Fr. Enriquez sa Radyo Veritas.

Ngayong ika-28 ng Pebrero ganap na alas-onse ng umaga magsisimula ang Lakadasal para sa Buhay at Kalikasan CCP Complex at lalakad patungong Senado upang magdaos ng banal na misa.

Bukas a-uno ng Marso, unang araw ng Abo ay muling magtitipon ang mga environmentalist sa C-C-P sa ganap na alas syete ng umaga at muling maglalakad patungong Senado upang magdaos ng banal na misa ng alas otso ng umaga.

Kabilang sa dadalo sa mapayapang protesta ang mamamayan mula sa mining affected communities, mga katutubo, at kaanak ng mga biktima ng environmental killings.

Nauna rito, naninindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na kakarampot lamang ang naaambag ng mining industry sa labor employment sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/mining-industry-kakarampot-lang-ang-trabahong-nilikha/

Magugunitang, plano ng Chamber of Mines of the Philippines na harangin ang kumpirmasyon kay Gina Lopez bilang kalihim ng DENR matapos nitong irekomenda ang pagpapasara ng 23 minahan at pagkansela sa 75 Mineral Production Sharing Agreement na nakatalagang mag sagawa ng operasyon malapit sa mga watershed.

Una na ring binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco Sa Ludato Si, ang pagkondena nito sa industriya ng pagmimina na sumisira sa kalikasan at nagpapahirap sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 3,348 total reads

 3,348 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 34,623 total reads

 34,623 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 114,418 total reads

 114,418 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 208,644 total reads

 208,644 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 269,041 total reads

 269,041 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,890 total reads

 374,890 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top