Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 112,701 total reads

Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap o pag-hunting sa mga kalaban sa pulitika ng administrasyon. Lumalabas daw na gusto lang paalisin sa puwesto ang bise presidente at pagbawalan siyang tumakbo para sa anumang posisyon sa gobyerno, lalo na sa 2028.

Nalimutan yata ni Senador Zubiri na isa siyang senator-judge na didinig sa mga reklamong isinampa laban sa bise presidente. Bilang bahagi ng impeachment court, inaasahang impartial o walang kinikilingan ang mga husgado. Ang pangunahing trabaho ng mga senator-judges ay timbangin ang mga ilalatag na ebidensya sa kanila at ang mga paliwanag na maririnig nila. 

Hindi naman nag-iisa si Senador Zubiri. Lantaran din ang iba niyang kasamahan sa Senado sa kanilang pagkampi kay VP Sara. Pagkatapos ngang mag-convene ang Senado bilang impeachment trial na usad-pagong ang takbo hanggang sa ngayon, nakita si VP Sara na kasama sina Senador Imee Marcos at Senador Robin Padilla. Pagtitipon iyon sa Malaysia bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan noong isang buwan. Tinawag ni Senador Padilla na “susunod na pangulo” ang bise presidente. Ipinagmalaki naman ni Senador Marcos na matapang niyang ipinagtanggol si VP Sara. Pinagtawanan pa nga niya ang mga damit nila bilang hukom; pangit daw ang mga ito. Hinikayat niya ang mga OFW sa Malaysia na “manindigan para sa bayan, para sa Konstitusyon, [at] para sa ating bansa.” Ang “tunay na hukom ng bayan,” ayon sa kapatid ni Pangulong BBM, ay ang “malayang mamamayang Pilipino.”

Sa kabila nito, tahimik ang marami sa atin tungkol sa impeachment trial ni VP Sara at sa pagiging partial o may kinakampihan ng mga senator-judges. Mabibigat ang mga paratang kay VP Sara. Kasama sa mga ito ang paglabag sa Konstitusyon o culpable violation of the Constitution; pagtataksil sa tiwala ng taumbayan o betrayal of public trust; katiwalian o graft and corruption; at iba pang high crimes gaya ng panunuhol at pagbabanta sa buhay nina Pangulong BBM, First Lady Liza Araneta, at House Speaker Martin Romualdez. Ang impeachment trial ang mekanismo natin para panagutin ang isang mataas na opisyal ng gobyerno. 

Bakit napakahirap para sa ilang mga senador na gawin ang kanilang trabaho bilang mga huwes sa impeachment trial? Hindi natin maitatangging may halong pulitika ang impeachment ni VP Sara, pero dapat igalang ng ating mga senador ang responsabilidad na nakaatang sa kanila bilang mga miyembro ng impeachment court. Hindi na nga nila agad na inaksyunan ang isinampang reklamo at sadyang binabagalan ang proseso, halata pa ang kanilang pagkampi sa humaharap sa mga seryosong kaso. 

Akmang paalala sa kanila ang mababasa natin sa Deutoronomio 16:19: “Huwag ninyong pipilipitin ang katarungan at huwag kayong magtatangi ng tao ni tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.”

Wala tayong ebidensya kung may panunuhol sa mga senator-judges, pero hindi maitatago—o hindi nga nila itinatago—ang pagtangi o pagkiling nila. Wala pa man sila sa pagdedesisyon kung ia-acquit o iko-convict si VP Sara, malinaw na ang kanilang pagbalewala sa mga ebidensyang ihahain sa pagdinig. Lantarang pagtataksil ito sa kanilang tungkulin bilang mga senator-judges. Lantarang pambabastos ito sa ating mga demokratikong proseso ng pagpapanagot sa mga nasa kapangyarihan.

Mga Kapanalig, sintomas ang pagkiling ng mga senator-judges ng tinatawag na “political corruption.” Sa mga turo ng ating Simbahan, sinisira ng political corruption ang ating mga institusyon dahil inililihis nito ang mga lingkod-bayan natin—gaya ng mga senador—palayô sa kanilang tungkulin na kumilos para sa kabutihang panlahat. Kahit pakitang-tao lang, maging patas naman sana ang mga senator-judges sa impeachment trial ni VP Sara.

Sumainyo ang katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,513 total reads

 1,513 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,590 total reads

 3,590 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 11,531 total reads

 11,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,909 total reads

 48,909 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,180 total reads

 80,180 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,981 total reads

 156,981 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,655 total reads

 250,655 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 11,532 total reads

 11,532 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,910 total reads

 48,910 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,181 total reads

 80,181 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,982 total reads

 156,982 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top