Sabado, Hulyo 19, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,219 total views

Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Exodo 12, 37-42
Salmo 135, 1 at 23-24. 10-12. 13-15

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Mateo 12, 14-21

Saturday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Exodo 12, 37-42

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, naglakbay ang mga Israelita patungong Sucot; humigit-kumulang sa animnaraang libo ang mga lalaki bukod pa sa mga babae at mga bata. Maraming hindi Israelita ang sumama sa kanila; marami silang dalang tupa, kambing at baka. At niluto nila ang dala nilang gagawing tinapay na wala pang lebadura. Hindi nila ito nakuhang lagyan ng lebadura sapagkat apurahan ang kanilang pag-alis sa Egipto; wala na silang panahong magluto ng pagkain.

Ang mga Israelita ay nanirahan sa Egipto nang apatnaraa’t tatlumpung taon. Huling araw ng ikaapatnaraa’t talumpung taon nang umalis sa Egipto ang mga hukbo ng Panginoon. Nang magdamag na yaon sila iniligtas ng Panginoon at inilabas sa Egipto, kaya ang magdamag na yaon ay itinalaga nila sa pag-aalaala sa pagliligtas sa kanila ng Panginoon. Ang pag-aalaalang yaon ay patuloy nilang gagawin habang panahon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 135, 1 at 23-24. 10-12. 13-15

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

o kaya: Aleluya.

O pasalamatan ang Panginoong Diyos pagkat s’ya’y mabuti,
ang kanyang pag-ibig ay pangwalang-hanggan at mananatili.
Nang tayo’y malupig ng mga kaaway, di niya nilimot,
ang kanyang pag-ibig ay mananatili at di matatapos.
Nang tayo’y masakop ng mga kaaway, pinalaya tayo,
ang kanyang pag-ibig ay mananatili, hindi magbabago.

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay,
ang kanyang pag-ibig ay di kumukupas at pangwalang-hanggan.
Ang nasa Egiptong mga Israelita, siya ang naglabas,
ang kanyang pag-ibig ay mananatili at hindi kukupas.
Ang ginamit niya’y mga kamay niyang makapangyarihan,
ginawa n’ya ito pagkat ang pag-ibig niya’y walang hanggan.

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

Ang Dagat ng Tambo ay kanyang hinati, at natuyong tunay,
ang kanyang pag-ibig ay hindi kukupas at pangwalang-hanggan.
Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan,
ang pag-ibig niya ay hindi kukupas at pangwalang-hanggan.
Ang hari’t Faraon at ang hukbo nito ay kanyang nilunod,
ang pag-ibig niya ay pangwalang-hanggan, hidi matatapos.

Ang pag-ibig ng Maykapal
ay tunay na walang hanggan.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 14-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umalis ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano ipapapatay si Hesus.

Alam ito ni Hesus kaya’t umalis siya roon. Maraming sumunod sa kanya at pinagaling niya ang lahat ng maysakit, ngunit mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag ipamamalita ang tungkol sa kanya. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias:

“Naririto ang lingkod ko na ako rin ang humirang,
minamahal ko nang labis, lubos kong kinalulugdan;
ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay,
sa lahat ng mga bansa ibabadha’y katarungan.
Hindi siya makikipagtalo, mahinahon kung mangusap,
ang tinig niya sa lansanga’y tinig lamang na paanas;
hindi niya puputulin yaong tambong nakahapay,
ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan,
hanggang itong katarunga’y mapagtagumpay niyang ganap;
at ang pag-asa ng tao sa kanya ay ilalagak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Bumaling tayo sa Diyos, ang ating mahabaging Ama, siyang hindi tumatalikod sa mga mahihirap at mga nangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha at mahihina, maawa ka sa amin.

Ang Simbahan nawa’y makita bilang tahanan para sa mga mahihina at mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod publiko nawa’y tunay na maglingkod sa kanilang pinamumunuan nang may matuwid na hangarin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagtalaga ng kanilang mga sarili sa kabanalan nawa’y ibigay ang buong buhay nila sa Diyos at sa Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagiging saksi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y tingnan natin nang may habag at unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makadama ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Mahabaging Ama, gawin mo kaming tunay na mga lingkod ng iyong pagmamahal. Maging katulad nawa kami ng iyong Anak na dumating hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 215,748 total views

 215,748 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 245,972 total views

 245,972 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 272,616 total views

 272,616 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 367,590 total views

 367,589 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 374,648 total views

 374,648 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 1,436 total views

 1,436 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 2,888 total views

 2,888 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 4,162 total views

 4,162 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 4,854 total views

 4,854 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

Linggo, Hulyo 12, 2026

 5,496 total views

 5,496 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 10-11 Salmo 64, 10abkd. 10e-11. 12-13. 14 Nagbunga nang masagana, binhi sa mabuting lupa. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top