Trust rating ng mga pinuno ng pamahalaan, tumaas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,060 total reads

Tumaas ang tiwala ng publiko sa mga pangunahing pinuno at institusyon ng pamahalaan batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Hunyo 25 hanggang 29, 2025.

Ayon sa resulta ng survey na kinomisyon ng Stratbase, umabot sa 48% ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., o pagtaas ng 10 puntos mula sa 38% noong Mayo.

Samantala, 30% ng mga respondents ang nagsabing may maliit silang tiwala sa Pangulo, habang 21% ang hindi pa tiyak.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Malacañang, ang pagtaas sa trust rating ni Marcos ay maaaring indikasyon na nakikita na ng taumbayan ang mga hakbang ng administrasyon, sa kabila ng mga batikos mula sa ilang sektor.

Bukod sa ehekutibo, tumaas din ang kumpiyansa ng publiko sa House of Representatives.

Ayon sa parehong survey, umakyat sa 57% ang trust rating ng Kamara—mula sa 34% noong Abril at 49% noong Mayo—ang pinakamataas na naitalang tiwala sa institusyon sa kasaysayan ng SWS.

Ang pagtaas na ito ay iniuugnay sa mas aktibong papel ng Kamara sa mga usaping pambansa gaya ng ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at seguridad sa pagkain.

Sa loob ng tatlong taon, nakapagpasa ang Kamara ng mahigit 280 batas, kabilang ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Tatak Pinoy Act, at Trabaho Para sa Bayan Act.

Gayundin ang mga panukalang batas para sa reporma sa kalusugan at edukasyon, maging ang mga programang sumusuporta sa mga manggagawa, seafarers, at mga lugar na apektado ng kaguluhan sa pamamagitan ng Barangay Development Program.

Tumaas din ang personal trust rating ni House Speaker Martin Romualdez, mula 23% noong Abril patungong 34% nitong Hunyo, sa kabila ng mga kontrobersyang kinakaharap ng pamahalaan tulad ng impeachment complaint laban kay Vice President Duterte.

Ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, patunay ang mga resultang ito sa mga nakamit ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez nitong nakalipas na tatlong taon.

Habang positibo ang mga numerong ito para sa ehekutibo at lehislatibo, iginiit ng Malacañang na mananatiling nakatuon ang gobyerno sa trabaho.

Ayon kay Castro, “Hindi ito dahilan para magpakampante. Ang serbisyo publiko ay tuloy-tuloy. Walang bakasyon hangga’t may kailangang tugunan ang sambayanan.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,782 total reads

 61,782 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,808 total reads

 157,808 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,076 total reads

 202,076 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,185 total reads

 225,185 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,619 total reads

 297,619 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top