Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,155 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-15 Linggo ng KP, 15 Hulyo 2025, Exod. 2:1-15 at Mat 11:20-24

Sa mga kuwentong napapanood ko noong bata pa ako sa mga pelikulang Tagalog sa “Pinilakang Tabing” o “Mga Aninong Gumagalaw”, mabilis akong nagsawa. Kasi dalawang klase lang parati ang mga karakter: mga tipong bida at mga tipong kontrabida. Kapag bida, tipong mabait at inaapi, pero sa bandang huli papanigan din ng tadhana; susuwertihin. Kapag kontrabida, pag masama, sobrang sama naman. Malupit, mataray, mga tipong Bella Flores, pero mamalasin din sa bandang huli. Nakakasawa dahil mga tipo ng kuwento na masyadong predictable. E maliit pa ako, alam ko naman na hindi ganyan sa totoong buhay.

Kaya gustong-gusto ko ang paraan ng pagkukuwento ng manunulat ng Book of Exodus. Bida si Moises at ang mga Hebreong alipin na inaapi sa Egipto. Pero hindi naman lahat ng taga-Egipto ay kontrabida ang dating. Mayroon din sa kanilang mabait at makatao. Katulad ng dalawang komadrona sa kuwento na hindi sumunod sa utos ng hari na patayin ang mga batang lalaking isinisilang ng mga babaeng Hebreo. At siyempre nandiyan din ang kuwento ng prinsesang nagligtas sa sanggol na nasa loob ng basket na inanod sa ilog at napulot niya at inampon pa niya bilang sariling anak at tinawag niyang Moises.

Hindi rin laging bida ang mga Hebreong alipin sa kuwento niya. Nandiyan ang magkababayang Hebreo, parehong alipin at api, pero nag-aaway. At isinubo pa sa alanganin at isinuplong sa otoridad si Moises, gayong nagmamalasakit lang ito sa kanila.

Sa ebanghelyo, parang ganyan din ang punto ni Hesus. Dahil doon namalagi si Hesus sa mga bayang katulad ng Chorazin, Bethsaida at Capernaum, ibig bang sabihin mas maswerte sila? Matinding sumpa ang bibitawan laban sa kanila dahil daw wala namang pagbabagong nangyari sa kanila, sa kabila ng mga pangaral na narinig nila at mga kababalaghan na nasaksihan nila sa pamamalagi ni Hesus sa piniling nila.

Minsan dahil siguro sa kapapanood natin sa mga mumurahing telenobela, sa di natin namamalayan, pumapasok din sa ating kamalayan ang ganitong mentalidad na para bang tayo ang bida at lahat ng ibang tao ay kontrabida. Na tayo ay Kristiyanong bansa at lahat ng hindi Kristiyano ay masama. Na Tayo ay Katoliko at palasimba at lahat ng hindi nagsisimba ay makasalanan. Na tayo ay maliligtas at ang ang hindi binyagan ay hindi.

Magandang paalala ang narinig nating alleluia verse mula sa Salmo 95: “Kung sa araw na ito’y inyong marinig ang tinig ng Diyos, huwag ninyong hahayaan magmatigas ang inyong puso.” Sa totoong buhay hindi totoong dalawang klase lang ang tao: bida at kontrabida, suwerte at malas. Lahat tayo ay makasalanan, pero lahat din tayo ay may pag-asa, tinatawag na maging mga anak ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 66,268 total reads

 66,268 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,078 total reads

 162,078 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 206,346 total reads

 206,346 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 229,455 total reads

 229,455 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 301,597 total reads

 301,597 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE VINEYARD IS NOT OURS

 16,631 total reads

 16,631 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 15,905 total reads

 15,905 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top