Para saan ang confidential funds?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 108,547 total reads

Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng lokal na pamahalaan. 

Ayon kay Mayor Roseller “Boots” Rodriguez, naging inspirasyon niya ang ginawa ni Mayor Leni Robredo sa Naga City. Mula 2022, nakatatanggap ang Capas ng walong milyong piso kada taon para sa mga operasyon laban sa droga at krimen. Pero nakita ni Mayor Rodriguez na nasasaklaw na ito ng kanilang Peace and Order and Public Safety Plan. Kaya’t inilipat niya ang pondo sa mga programang may mas malinaw at direktang serbisyo sa tao, gaya ng mga estudyante at nakatatanda.

Mula sa pangalan pa lang, ang confidential and intelligence funds ay para sa mga gastusing may kinalaman sa pagmamanman at seguridad. Ayon sa joint circular noong 2015 ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Commission on Audit at Department of Budget and Management, maaaring gamitin ang confidential funds sa pangangalap ng impormasyon, pagrerenta ng kagamitan o sasakyan, pagpapanatili ng safehouses, at pagbibigay ng reward sa mga impormante. Layon ng mga ito na tuklasin at pigilan ang mga banta sa tauhan, ari-arian, o pasilidad ng gobyerno, at kailangang isinasagawa ito katuwang ang mga lehitimong law enforcement agencies.

Pero may mga limitasyon sa paggamit ng confidential funds. Hindi ito maaaring gamitin sa suweldo, benepisyo, o bonus ng mga empleyado ng pamahalaan. Bawal din itong gamitin sa mga kasiyahan kapag may okasyon, consultancy fees, o mga proyektong pang-imprastruktura. May mga hakbang ding inilatag upang matiyak ang tamang paggamit nito. Kailangang magsumite ng physical at financial plan ang mga lokal na pamahalaan bilang suporta sa kanilang kahilingan para sa confidential and intelligence funds. Dapat malinaw sa plano ang tinatayang halaga para sa bawat proyekto, aktibidad, at programa.

Gayunman, isa sa mga pinakakritikal na isyu sa ganitong pondo ay ang posibilidad ng maling paggamit nito dahil confidential nga. Maaaring itago ang mga detalye sa ngalan ng seguridad. Kapag itinatago, hindi na ito masusuri ng publiko. Sa kasalukuyan, ito ang kinahaharap na kontrobersya ni VP Sara Duterte, matapos lumabas na may mga kaduda-dudang confidential funds recipients sa mga opisinang pinamunuan niya noon.

Turo ng ating Simbahan: tungkulin nating lahat na kumilos lagi patungo sa katotohanan. Maaari ditong iangkla ang panawagan para sa pagiging bukás at tapat ng ating mga lider, lalo na pagdating sa usapin kung saan napupunta ang pera ng taumbayan. Bilang mga nagbabayad ng buwis, tungkulin nating tiyakin na ang pondong ginagamit ng pamahalaan ay napupunta sa tama, at hindi sa mga kaduda-dudang aktibidad o kathang-isip na mga tao.

Maaaring hindi angkop para sa lahat ng LGU ang ginawa ng mga mayor ng Naga at Capas. Sa mga lugar na may totoong banta sa seguridad at kapayapaan, maaaring kailanganin pa rin ang confidential funds upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Ang mahalaga ay gamitin ito nang responsable at may masusing oversight

Magkaugnay ang pagiging bukás sa publiko at ang mabuting pamamahala ng mga nasa gobyerno. Kailangan natin ng mga opisyal na marunong magsuri. Kailangan natin ng mga lider na tinatanong ang kanilang sarili: “Nagamit ba ang pondong ito sa tamang paraan? Paano ko ito magagamit nang mas epektibo? Makikinabang ba rito ang aking mga nasasakupan?” Kailangan din natin ng mga pinunong bukás matuto mula sa mabubuting halimbawa ng iba.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Lucas 16:10, Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” Sa paggamit ng pondo ng bayan—confidential man o hindi—kailangang may pananagutan sa mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 33,840 total reads

 33,840 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 67,302 total reads

 67,302 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 103,785 total reads

 103,785 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 121,997 total reads

 121,997 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 204,506 total reads

 204,506 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 33,841 total reads

 33,841 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 67,303 total reads

 67,303 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 103,786 total reads

 103,786 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 121,998 total reads

 121,998 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top