“Defending the defenders is defending democracy”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,776 total reads

Mga Kapanalig, ipagtanggol ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao!

Ito ang sigaw ng mga human rights advocates sa pangunguna ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (o PAHRA), Task Force Detainees of the Philippines, at ilang grupo ng kababaihan kamakailan. Sa isang pagtitipon, sama-sama silang tumindig sa gitna ng patuloy na panggigipit sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. 

Nanawagan silang palayain si Ma. Salome Ujano o mas kilalang “Nanay Sally.” Inilaan ni Nanay Sally ang halos buong buhay niya para isulong at protektahan ang karapatan ng kabataan at kababaihan. Ayon kay Jean Enriquez, executive director ng Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific, nagpapadaloy sila ng isang group healing session para sa mga survivors ng pang-aabuso nang mabalitaan nila ang kasong rebelyon laban kay Nanay Sally. Inaresto si Nanay Sally noong 2021 dahil sa pagkakasangkot niya diumano sa isang ambush sa Quezon noong 2005. Dalawang sundalo ang namatay sa naturang ambush. Nakapagpiyansa si Nanay Sally noong 2022, ngunit nahatulan siya noong May 2024 at napatawan ng parusang 10 hanggang 17 taóng pagkakakulong. Naghain na ng apela ang kanyang mga abogado. 

Naniniwala ang maraming human rights advocates na politcally-motivated o may bahid ng pulitika at walang batayan ang kaso ni Nanay Sally. Paliwanag ni PAHRA Secretary-General Egay Cabalitan, sumasalamin ang nangyari kay Nanay Sally sa malawakang panggigipit sa human rights advocates. Ang pagkakapiit ni Nanay Sally ay porma ng kawalan ng katarungang nakaugat sa kagustuhan ng mga nasa poder na patahimikin ang mga nagsusulong sa karapatang pantao. 

Kasabay ng panawagan na palayain si Nanay Sally ang kahilingang isabatas na ang Human Rights Defenders Protection Bill. Layunin ng panukalang batas na palakasin ang legal framework upang protektahan ang human rights advocates sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang trabaho bilang isang lawful occupation o propesyon. Kung may ganitong pagkilala, maoobliga ang estado na igalang at protektahan ang karapatan ng mga nagtataguyod ng human rights sa bansa. 

Ayon pa sa PAHRA, ang pagpapalaya kay Nanay Sally ay hindi lamang tungkol sa isang tao kundi sa paggalang natin, bilang isang bansa, sa karapatang pantao at demokrasya. Para sa grupo, “defending the defenders is defending democracy.” Kung isasabatas ang Human Rights Defenders Protection Bill, kinikilala natin ang kahalagahan ng pagtatrabaho para sa karapatang pantao bilang haligi ng pagbubuo ng isang makatarungan at makataong lipunan. 

Sang-ayon ito sa sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na magkakaroon ng makatarungang lipunan kung nakabatay ito sa paggalang sa dignidad at karapatan ng tao. Katulad ng sinasabi sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, mahalagang tingnan natin ang bawat isa bilang bahagi rin ng ating sarili, bilang kapwa o karugtong ng ating pagkatao. Sa ganitong paraan, maisasaalang-alang natin ang pangangailangan ng bawat taong mabuhay nang may dignidad. Sa ganitong paraan, hindi tayo matutulad sa mayamang lalaki sa Lucas 16:19-31. Sa kuwento, kumakain nang sagana araw-araw ang mayamang tao na nagsusuot ng mamahaling damit habang nakulapasay si Lazaro sa kanyang pintuan at kumakain ng anumang nahuhulog sa mesa. Walang pakialam ang mayamang lalaki sa pinagdaraanan ng kanyang kapwa! 

Mga Kapanalig, ang buhay ni Nanay Sally ay halimbawa ng pagbabahagi ng sarili para makamit ng iba—o ng mga katulad ni Lazaro sa panahon natin ngayon—ang pagkilala sa kanilang dignidad at mga karapatan. Sa mundong punô ng mga taong katulad ng mayamang lalaki sa Ebanghelyo ni San Lucas, piliin nating maging kagaya ni Nanay Sally at iba pang human rights advocates. Samahan po natin sila sa kanilang mga panawagan: palayain si Nanay Sally, isabatas ang Human Rights Defenders Protection Bill, kilalanin ang dignidad ng lahat, at protektahan ang karapatang pantao!

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 108,707 total reads

 108,707 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 185,116 total reads

 185,116 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 218,564 total reads

 218,564 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 253,864 total reads

 253,864 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 476,116 total reads

 476,116 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 108,708 total reads

 108,708 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 185,117 total reads

 185,117 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 218,565 total reads

 218,565 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 253,865 total reads

 253,865 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top