Magsilbing lakas at daluyan ng pag-asa ng mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,091 total views

Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa sa lahat ng mga naapektuhan ng sama ng panahon dahil sa magkakaalinsabay na pag-iral na bagyong Dante at bagyong Emong na pinaiigting pa ng hanging Habagat.

Ayon sa Obispo, sa gitna ng kalamidad ay hindi dapat na isantabi ng sinuman ang kanyang kapwa sa halip ay dapat na magsilbing lakas at daluyan ng pag-asa para sa mga pinanghihinaan.
Pagbabahagi ni Bishop Santos, mahalaga ang sama-samang pananalangin upang ipag-adya ang bansa mula sa kalamidad at sakuna.

“With deep sorrow yet unwavering faith, we unite our hearts in prayer for all our brothers and sisters who have suffered in these recent calamities. As we face the challenges brought by nature, we must never lose sight of our shared humanity and the strength we draw from one another.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Santos, sa kabila ng anumang pagsubok o hamon sa kasalukuyang panahon ay hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang bawat isa sa biyayang kaloob ng Panginoon para sa lahat.
Paliwanag ng Obispo, bukod sa pisikal na paghahanda ay mahalaga rin ang espiritwal na paghahanda ng bawat isa sa oras ng kalamidad upang mapagtibay higit na mapagtibay ang pagtitiwala at pananalig sa habag, awa at plano ng Diyos para sa lahat.

“As Typhoon Dante and other storms loom, let us also prepare—not only physically, but spiritually. Let our readiness be grounded in faith, solidarity, and love for our neighbor. Safety must be a communal effort, and in helping protect one another, we reflect the grace and compassion of God.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinihikayat naman ni Bishop Santos ang bawat isa na gawing huwaran si Hesus sa pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa lalo na ang mga higit na naapektuhan ng nagpapatuloy na sama ng panahon sa bansa.

Kabilang sa panawagan ng Obispo, ang pagpapasilong sa mga nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan at pagkakaloob sa pangangailangan ng mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Let us be inspired by Christ’s example—reaching out to those in need, offering comfort to the grieving, and shelter to the displaced. The Church stands beside you, not only in word but in action: through our parishes, ministries, and volunteers, we commit to being a source of solace and support.” Ayon pa kay Bishop Santos.

Inanyayahan naman ng Obispo ang bawat isa na ipanalangin ang pamamagitan ng mapaghimalang Birhen ng Antipolo upang ipag-adya ang lahat mula sa anumang kalamidad at sakuna.

Nawa ayon kay Bishop Santos, “May our Blessed Mother, whom we lovingly invoke as ‘ang mapaghimalang Birhen ng Antipolo,’ whose mantle covers every Filipino with care, intercede for us all. And may our heavenly Father teach us to remain meek yet resolute, humble yet steadfast, especially in times of trial.”

Una ng tiniyak ng Simbahang Katolika ang pagtugon ng bawat diyosesis sa pamamagitan ng mga social action centers para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng nakalipas na Bagyong Crising, na agad namang sinundan ng Bagyong Dante at Bagyong Emong na pinaiigting pa ng Hanging Habagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 23,881 total views

 23,881 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,565 total views

 74,565 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 80,694 total views

 80,694 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 110,038 total views

 110,038 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 127,454 total views

 127,454 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top