Malalang corruption sa flood control projects ng pamahalaan, kinundina ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,508 total reads

Kinundina ng Kanyang Kabunyian Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang patuloy na katiwalian sa kaban ng bayan na nagdudulot ng pagdurusa sa mga mamamayan.

Sa Facebook page ni Cardinal David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, tinukoy nito ang malakawang pagbaha na nararanasan sa Kalakhang Maynila at mga karatig lugar na naiwasan kung hindi napunta sa korapsyon ang kaban ng bayan.

Partikular na pinuna ni Cardinal David ang substandard flood control projects ng pamahalaan lalu na sa Malabon at Navotas na kapwa nasasakop ng Diyosesis ng Kalookan na muling nalubog sa baha ang mga komunidad at maging ang mga Simbahan.

Iginiit ng Cardinal higit na na pinalalala ng katiwalian sa pamahalaan ang masamang epekto ng climate change na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo sa kasalukuyang panahon.

“Climate change is bad enough; corruption makes it even worse. Substandard flood control projects are a total waste of money. Obviously, flood control in our country has to be preceded by corruption control.” pahayag ni Cardinal David.

Pagbabahagi ni Cardinal David, sa kabila ng bilyong pisong halaga ng mga Flood Control Projects sa bansa partikular na sa Kalakhang Manila ay wala pa ring pagbabago ang sitwasyon sa bansa sa tuwing mayroong sama ng panahon.

“Not an iota of improvement, despite billions of pesos spent by national government on DPWH Flood Control Projects. Check out the COA Audit Reports on these projects, and you’ll get the shock of your life.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Binigyan-diin ni Cardinal David na dapat kasama sa “flood control” projects ang corruption control.

Matatandaang una ng tiniyak ng Caritas Kalookan ang kahandaang ng Simbahan na tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong parokya at komunidad sa diyosesis na kinabibilangan ng Malabon, Navotas at southern Kalookan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 25,767 total reads

 25,767 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 174,332 total reads

 174,332 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 209,008 total reads

 209,008 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 225,075 total reads

 225,075 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 261,561 total reads

 261,561 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 269,714 total reads

 269,714 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 25,768 total reads

 25,768 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top