Jubilee indulgence, matatanggap ng mga dadalaw sa matatandang nag-iisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,960 total reads

Jubilee Indulgence matatanggap ng mga dadalaw sa mga matatandang namumuhay nang mag-isa.

Naniniwala ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV na napapanahon ang paggunita ng Simbahang Katolika ng Jubillee Year of Hope ngayong taon upang bigyan ng pag-asa at mapaligaya ang mga nakatatanda na nakadarama ng kalungkutan sa buhay.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Santo Papa para sa ika-limang World Day of Grandparents and the Elderly na nakatakda sa ika-27 ng Hulyo, 2025.

Ayon kay Pope Leo XIV, ang lahat ay tinatawagan upang maipadama sa mga nakatatanda na hindi sila nag-iisa at ang patuloy na pagpapahalaga sa kanilang naging mahalagang ambag sa lipunan at maging sa Simbahan.

Paliwanag ng Santo Papa, mahalagang patuloy na maipadama sa mga nakatatanda ang biyayang hatid ng kanilang mayamang karanasang maaring maging inspirasyon para sa mga kabataan upang maging mabuting kasapi ng lipunan.

“Looking at the elderly in the spirit of this Jubilee, we are called to help them experience liberation, especially from loneliness and abandonment. This year is a fitting time to do so. God’s fidelity to his promises teaches us that there is a blessedness in old age, an authentic evangelical joy inspiring us to break through the barriers of indifference in which the elderly often find themselves enclosed.” Bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Bilang patuloy namang pagsasabuhay sa layunin ni Pope Francis sa pagtatakda ng araw upang kilalanin ang natatanging kahalagahan ng mga nakatatanda sa lipunan ay makatatanggap ng Jubilee Indulgence ang lahat ng mga bibisita o dadalaw at manatili nang sapat na panahon kasama ang mga matatandang namumuhay nang mag-isa.

Ayon sa Apostolic Penitentiary, bagamat hindi makakapunta sa Roma ngayong Jubilee Year ay makatatanggap pa rin ng Jubilee Indulgence ang sinuman na tutupdin ang layunin ng World Day of Grandparents and the Elderly na pagbisita sa mga matatandang nag-iisa ng naayon sa layunin ng dating Santo Papa Francisco.

Una ng inihayag ni Pope Francis na malaki ang ambag ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa buhay ng bawat isa hindi lamang sa lipunan kundi maging sa Simbahan kaya naman naaangkop lamang ang patuloy na pagkilala at pagbibigay halaga sa kanilang mga nagawa sa buhay sa kabila ng kanilang edad sa kasalukuyang panahon.

“Pope Francis wanted the World Day of Grandparents and the Elderly to be celebrated primarily through an effort to seek out elderly persons who are living alone. For this reason, those who are unable to come to Rome on pilgrimage during this Holy Year may “obtain the Jubilee Indulgence if they visit, for an appropriate amount of time, the elderly who are alone… making, in a sense, a pilgrimage to Christ present in them. Visiting an elderly person is a way of encountering Jesus, who frees us from indifference and loneliness.”
Ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.
Tema sa pagdiriwang ng ika-limang World Day of Grandparents and the Elderly ngayong taon ang “Blessed are those who have not lost hope (cf. Sir 14:2)”.

Taong 2021 ng itinalaga ni Pope Francis ang ikaapat na Linggo sa buwan ng Hulyo para sa paggunita ng World Day of Prayer for Grandparents and the Elderly na pinakamalapit na araw sa July 26-ang Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana na Lolo at Lola ni Hesus.

Paliwanag ni Pope Francis bahagi ng tungkulin ng kasalukuyang henerasyon ang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa pangangalaga sa mga nakatatanda upang hindi ituring na pabigat sa halip ay mahalagang bahagi at sandigan ng buhay na nagtataglay ng mga karanasan at karunungan na mahalaga hindi lamang sa lipunan kundi maging sa Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,751 total reads

 32,751 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,723 total reads

 68,723 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,558 total reads

 122,558 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,505 total reads

 184,505 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,245 total reads

 252,245 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 3,236 total reads

 3,236 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top