Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,359 total reads

19th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Wis 18:6-9 Heb 11:1-2.8-19 Lk 12:32-48

May pananalig ka ba? Naniniwala ka ba? Sa gawain natin dito sa lupa, kailangan natin ng pananalig. Nananalig tayo sa ating magulang na itataguyod nila tayo. May tiwala tayo sa driver ng tricycle o ng jeep o ng van, na magiging maingat siya sa pag-drive. Nanalig tayo sa doctor na alam niya ang gamot na ibinibigay niya. Nanalig tayo sa pari na tama ang sinasabi niya tungkol sa Diyos. Kailangan natin ang pananalig sa isa’t-isa sa ating buhay.

Higit na kailangan natin ang pananalig sa Diyos kasi mas dakila siya kaysa atin. Alam niya ang lahat ng bagay kasi ang lahat ay galing sa kanya. May pananalig tayo sa Diyos kasi alam natin na mahal niya tayo at hindi niya tayo ipapahamak. Kung ibinigay na niya ang kanyang bugtong na anak para sa atin, ano pa ang ipagkakait niya sa atin? Kung ibinigay na ni Jesus ang kanyang buhay para sa atin, iiwan ba niya tayo sa ere?

Narinig natin sa ating ikalawang pagbasa na tayo ay may pananalig o ang pananampalataya kung nagtitiwala tayo na mangyayari ang inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na di natin nakikita. Kinalulugdan ng Diyos ang taong may pananalig sa kanya. Ito lang ang tanging pakikitungo natin sa Diyos – ang pananalig sa kanya kasi hindi natin siya nakikita. Hindi nga natin siya nakikita pero alam natin na nandiyan siya. Hindi siya pabaya at pagbibigyan niya tayo. Dahil sa pananalig, mayroon tayong pag-asa sa kanya. Ang ating inaasahan ay mga bagay at katotohanan na wala pa sa kamay natin. Inaasahan pa lang natin na darating. Dahil sa pag-asang ito, tinataya na natin ang ating sarili. Iyan po ang ugat ng salitang pananampalataya– PALA TAYA. Wala pa ang bola sa lotto, wala pa ang tupada sa sabong, inilalabas na natin ang ating pera. Binibigay na natin ang ating taya sa pag-asa na mananalo tayo. Madalas talo naman tayo. Pero sa Diyos hindi tayo matatalo, kasi nagbigay na siya ng pauna sa atin – ang kanyang anak na si Jesus. Namatay na siya, Pababayaan pa ba niya tayo? Hahayaan ba niya na mapapahamak tayo na nagpakasakit at namatay na si Jesus para sa atin? Ibinigay pa niya ang kanyang Banal na Espiritu sa siya ang sangla niya para sa ating kaligtasan.

Tumataya tayo sa Diyos kung sumusunod tayo sa kanya. Si Abraham, sa ating ikalawang pagbasa, ang halimbawa ng pananalig. Ganoon kalaki ang kanyang tiwala sa Diyos na noong sinabi ng Diyos, iniwanan niya ang lupain ng kanyang ninuno sa Haran at pumunta siya sa lupain na ipinangako sa kanya, ang lupain ng Canaan. Nanirahan siya roon na isang dayuhan ng buong buhay niya. Noong namatay ang kanyang asawang si Sara, bumili siya ng kapirasong kuweba upang may mapaglibingan siya sa kanya. Pero naniwala siya na balang araw mapapasa kanyang lahi ang lupaing ito, kasi sinabi ng Diyos.

Naniwala siya na may malaking lahi na manggagaling sa kanya, kasing dami ng mga butil ng buhangin sa dalampasigan, kahit na matanda na siya at si Sara, at wala pa silang anak. Nanalig sila sa sinabi ng Diyos. At noong nagkaroon sila ng kaisa-isang anak, si Isaac, noong sinabi ng Diyos na ialay siya sa bundok ng Moria, sumunod si Abraham. Handa niyang ialay ang kaisa-isang anak niya kasi may pananalig siya sa Diyos. Maaasahan ang Diyos at hindi niya siya pababayaan. Ganoon nga ang nangyari. Hindi naman kinuha si Isaac, at mula sa kanya dumami ang angkan ni Abraham.
May pananalig ba tayo sa Diyos? Naniniwala ba tayo sa salita ni Jesus sa atin ngayong Linggo? “Huwag kayong matakot… Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian at mamigay kayo sa mga mahihirap… Mag-impok kayo ng kayamanan sa langit kasi kung nasaan ang kayamanan ninyo, nandoon din naman ang inyong puso.” Kung ang kayamanan natin ay nasa lupa natin, nasa bangka natin, nasa pautang natin, nandito sa lupa ang ating puso. Kaya takot tayong mamatay. Hindi tayo handa na tagpuin ang Diyos sa kanyang pagdating. Wala naman kasi tayong kayamanan na matatagpuan sa langit kasi wala naman tayong ibinigay at itinulong sa iba.

Pero sa ayaw natin o sa gusto, darating ang Panginoon – at sa panahon pa na kampante na tayo sa buhay natin sa lupa. Huwag na tayong patulog-tulog o magpabaya. Maging gising at handang gamitin ng maayos ang ipinagkaloob sa atin. Ang tawag natin dito ay balik-handog. Magbalik-handog tayo ng panahon, na ang ibig sabihin, ay magbigay ng panahon sa Panginoon sa pagbibigay ng panahon sa pagdarasal at pag-serve sa kapwa. Magbalik-handog ng talento. Huwag natin ipagkait sa simbahan at sa gawaing mabuti ang ating pinag-aralan, mga experiences, at mga talent. Magserve tayo. Makiisa tayo sa pagbabayanihan. Magbigay din tayo ng ating pera sa iba. Magbalik handog tayo sa simbahan. Tulad ng walang mayaman na wala nang matatanggap, wala ding mahirap na hindi na makakabigay. Kahit na nga sa Pondo ng Pinoy makabibigay tayo. Tandaan natin ang kasabihan, ANUMANG MAGALING KAHIT MALIIT, BASTA’T MALIMIT, AY PAPUNTANG LANGIT. At tandaan natin ang sinabi ni Jesus: “Ang pinagkatiwalaan ng maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay.” May pananalig ba tayo na maniwala sa mga bagay na ito? May pananampalataya ba tayo? Ano naman ang itinataya natin sa Diyos?

Ang paksa ng ating taon ng Jubeleo ay PILGRIMS OF HOPE. Tayo ay mga manlalakbay sa lupa na may pag-asa. Pag-asa sa ano? Na maaabot natin ang patutunguhan ng ating buhay. At ano iyon? Ang pangako ng Diyos na buhay na walang hanggan. Itinaya ni Jesus ang kanyang buhay upang magsama tayo sa langit kung nasaan na siya. Dito sa lupa mag-ipon na tayo ng kayamanan para sa langit upang ang ating puso ay naghahangad na ng langit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 42,678 total reads

 42,678 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 122,623 total reads

 122,623 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 156,070 total reads

 156,070 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,369 total reads

 191,369 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 416,280 total reads

 416,280 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 11, 2026

 10,756 total reads

 10,756 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »

Homily October 4, 2026

 16,290 total reads

 16,290 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 18,233 total reads

 18,233 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 31,402 total reads

 31,402 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »
Scroll to Top