Linggo, Agosto 31, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,167 total views

Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sirak 3, 19-21. 30-31
Salmo 67, 4-5ak. 6-7ab. 10-11

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Hebreo 12, 18-19. 22-24
Lucas 14, 1. 7-14

Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 3, 19-21. 30-31

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Anak ko, maging mapagkumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin,
at mamahalin ka ng mga malapit sa Diyos.
Habang ikaw’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba;
sa gayo’y kalulugdan ka ng Panginoon.
Huwag mong hangaring maunawaan ang mga bagay na lampas sa iyong kakayahan,
huwag mong saliksikin ang hindi mo kayang malaman.
Nililimi ng matinong tao ang mga talinghaga;
nawiwili silang makinig pagkat nais nilang matuto.
Kung ang tubig ay nakamamatay ng apoy,
ang paglilimos ay nakapapawi ng kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 4-5ak. 6-7ab. 10-11

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang kanyang ngalan.
Ang pangalan niyang banal, magalak na papurihan.

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

Dahil sa ‘yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo na’y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.

Poon, biyaya mo’y ‘bigay
sa mahirap naming buhay.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 12, 18-19. 22-24

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, hindi kayo lumapit, gawa ng paglapit ng mga Israelita, sa isang bundok na nakikita sa Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, balot ng pusikit na kadiliman, may malakas na hangin, may tunog ng trumpeta, at tinig na nagsasalita. Nang ang tinig na ito’y marinig ng mga tao, isinamo nilang tumigil iyon ng pagsasalita sa kanila.

Ang nilapitan ninyo’y ang Bundok ng Sion at ang lungsod ng Diyos na buhay, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di-mabilang na anghel. Lumapit kayo sa masayang pagkakatipon ng mga ibinilang na panganay, na nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos. Lumapit kayo kay Hesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n’yo ang aking pasan;
Kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 1. 7-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.

Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Sinabi naman ni Hesus sa nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihan ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Turo sa atin ngayon ng Salita ng Diyos ang kababaang-loob at pagiging mapagbigay. Manalangin tayo sa pagkakamit natin ng biyaya ng kababaang-loob at kabukasang-palad:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Panginoon, itinatag mo ang Simbahan upang maging kasangkapan ng kaligtasan para sa lahat. Matupad niya nawa ang kanyang misyon nang buong kababaang- loob at katapatan. Manalangin
tayo!

Panginoon, ibinigay mo sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong relihiyoso ang tungkuling
ipangaral ang Mabuting Balita sa salita at sa gawa. Sila nawa’y magsumikap sa pagtatatag ng
iyong Kaharian sa mga puso ng lahat ng tao. Manalangin tayo.

Nagtatag ka ng mga kapangyarihang sibil upang itaguyod ang kapakanang pangkalahatan. Nawa
isulong ng mga hinalal ng bayan ang katarungan, kapayapaan, at kagalingan ng lahat ng mamamayan sa halip ng sarili nilang interes. Manalangin tayo.

Tinulutan mong magtamo ng mga tanging kaunlarang pangkabuhayan at panteknolohiya ang ilang mga bansa. Nawa’y tumulong ang kanilang mga pinuno sa mga bansang nagsisimula pa lamang lumago, sa diwa ng pakikipagtulungan. Manalangin tayo.

Panginoong Hesus, tinuruan mo ang iyong mga alagad kung paanong magpakumbaba at maging mapagbigay sa pamamagitan ng pagiging lingkod ng lahat sa pagbubuwis ng buhay mo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Nawa tularan namin ang iyong halimbawa at sa gayo’y makabahagi sa iyong buhay na walang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 116,269 total views

 116,269 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 240,680 total views

 240,680 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 280,577 total views

 280,577 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 354,012 total views

 354,012 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 20, 2026

 8,152 total views

 8,152 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30.

Read More »

Martes, Mayo 19, 2026

 8,152 total views

 8,152 total views Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos ay

Read More »

Lunes, Mayo 18, 2026

 8,152 total views

 8,152 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo 67,

Read More »

Linggo, Mayo 17, 2026

 4,429 total views

 4,429 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog. Efeso 1,

Read More »

Sabado, Mayo 16, 2026

 4,429 total views

 4,429 total views Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 23-28 Salmo 46, 2-3. 8-9. 10 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top