Sabado, Agosto 30, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,653 total views

Sabado ng Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

1 Tesalonica 4, 9-11
Salmo 97, 1. 7-8. 9

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Mateo 25, 14-30

Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 4, 9-11

Pagbasa mula sa Unang sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo tungkol sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid sa pananampalataya, yamang itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo mag-iibigan. At ito nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa Macedonia. Gayunman, ipinakikiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin ninyo ang inyong pag-ibig. Pagsikapin ninyong mamuhay nang tahimik. Ang inyong harapin ay ang sarili ninyong gawain. Magpagal kayo para sa inyong ikabubuhay tulad ng sinabi namin sa inyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 7-8. 9

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,
umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon.
Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman;
umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig;
taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.

Poong Hukom ay darating,
taglay ang katarungan natin.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 25, 14-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng limang libong piso, ang isa nama’y dalawang libong piso, at ang isa pa’y isang libong piso. Pagkatapos, siya’y umalis. Humayo agad ang tumanggap ng limang libong piso at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng limang libong piso. Gayun din naman, ang tumanggap ng dalawang libong piso ay nagtubo ng dalawang libong piso. Ngunit ang tumanggap ng isang libong piso ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kanyang panginoon.

Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng limang libo. Wika niya, ‘Panginoon, heto po ang limang libo na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang limang libo na tinubo ko.’ Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!’ Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libo, at ang sabi, ‘Panginoon, heto po ang ibinigay ninyong dalawang libo. Heto naman po ang dalawang libong piso na tinubo ko.’ Sinabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan.’ At lumapit naman ang tumanggap ng isang libong piso. ‘Alam ko pong kayo’y mahigpit,’ aniya. ‘Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang isang libo ninyo.’ ‘Masama at tamad na alipin!’ tugon ng kanyang panginoon. ‘Alam mo palang gumagapas ako sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana’y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang isang libong piso at ibigay sa may sampung libo. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa ating pagharap sa luklukan ng paghahatol ng Diyos, isusulit natin ang wastong paggamit o pagwawaldas ng mga biyayang ipinagkatiwala sa atin. Sa panalangin, hilingin natin ang tulong ng ating Tagapaglikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin mong nag-aalab ang aming buhay para sa iyo, O Panginoon.

Ang marami at iba’t ibang biyaya ng kanyang mga kasapi nawa’y mapakinabangan ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y igalang ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanggol at pagtataguyod sa kahalagahan ng sangnilikha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y magsalu-salo sa biyaya ng lupa at makiisa ang bawat tao sa pagkakaroon ng makatao at mayamang kaunlaran sa ating bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor, mga nars, at yaong mga nasa pangangalaga ng kalusugan nawa’y gamitin ang likas na biyayang bigay sa kanila upang dalhin ang pag-ibig at habag ni Kristo sa mga dukha, nalulumbay, maysakit, at mga bilanggo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga mahal na yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y ipagkaloob ang walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa mga maliliit na bagay ng buhay upang mapagkatiwalaan mo kami ng mga higit na dakilang bagay kapag pumasok na kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 22,155 total views

 22,155 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 65,763 total views

 65,763 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 150,017 total views

 150,017 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 165,555 total views

 165,555 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 15, 2026

 743 total views

 743 total views Paggunita kay San Isidro, magsasaka Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a

Read More »

Huwebes, Mayo 14, 2026

 1,924 total views

 1,924 total views Kapistahan ni Apostol San Matias Mga Gawa 1, 15-17. 20-26 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Hinirang ng D’yos ay dinangal sa piling

Read More »

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 4,193 total views

 4,193 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Read More »

Martes, Mayo 12, 2026

 4,680 total views

 4,680 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achiles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Lunes, Mayo 11, 2026

 4,692 total views

 4,692 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top