Kaninong tungkulin ang solusyunan ang baha?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 142,392 total reads

Mga Kapanalig, sasagutin na raw ng San Miguel Coportation (o SMC) ang pagresolba sa baha sa Metro Manila. Nangako ang presidente ng SMC na si Ramon Ang na tutulong na masolusyunan ang baha sa Metro Manila “at no cost to the people, at no cost to the government.” Libre daw!

Magkakaiba ang naging reaksyon ng publiko sa alok ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. Marami ang nagpasalamat sa kagandahang-loob ng negosyante. Malaking tulong daw ito sa gitna ng pinsalanag idinudulot ng pagbabaha sa buhay, kabuhayan,at kalusugan ng mga tao. 

Nagpasalamat din si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa alok ni Ginoong Ang. “Very welcome” daw ito dahil nakita naman daw natin ang mga proyekto ng SMC at ang magagandang resulta ng mga ito. Paliwanag pa ni PBBM, ito ang dahilan kung bakit dapat bigyan ng puwang ang pribadong sektor sa pagsusulong ng kaunlaran ng bayan. 

Para naman sa iba, negosyante pa rin si Ginoong Ang at panigurado raw na may kapalit ito. Marami ang duda na pagpapabango lamang ito sa pangalan niya at ng kanyang korporasyon dahil sa mga isyung kinasasangkutan nila. 

Nariyan ang panggigipit sa mga katutubo sa isla ng Bugsuk, Palawan. Target para gawing eco-tourism project ng isang subsidiary ng SMC ang isla. May mga armadong tao tinatakot at pilit na pinalalayas ang mga katutubo. 

Dagdag pa sa mga kontrobersyal na proyekto ng SMC ang Pasig River Expressway (o PAREX) na sinasabing magpapagaan sa trapiko sa Metro Manila. Papatungan ng highway ang Ilog Pasig mula sa Taytay hanggang sa Maynila. 

Tinututulan din ng ilang grupo ang New Manila International Airport na ipinatatayo ng SMC sa Bulacan. Ayon sa ilang residente sa paligid ng itinatayong airport, nagdulot ang proyekto ng matinding pagbaha sa kanilang lugar. May mga pamilya ring pinaalis sa lugar para bigyang-daan ang paliparan. 

Dahil sa mga kontrobersyal na proyektong ito, hindi maiiwasang tanungin kung libre nga ba talaga ang alok ni Ginoong Ang at ng SMC? Saan kukunin ng korporasyon ang gagastusin nito? May mga sektor bang katulad ng mga katutubo na magbabayad sa sinasabing pagmamagandang-loob ng negosyante? Baka pati ang kalikasan ay kasama sa isasakripisyo kung pagbibigyan ang pribadong kompanya sa gusto nitong gawin sa Metro Manila. Bakit aasa ang gobyerno sa SMC? 

Sa economics, may kasabihan ngang “There is no such thing as a free lunch.” Walang libre sa tunay na buhay. Hindi mo makukuha ang isang bagay nang walang kapalit.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng pamahaalaang siguruhing maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan. Hindi ang interes ng mga negosyante, lalo na ang mga may kuwestiyonableng intension, ang dapat unahin ng gobyerno. Ayon nga sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, dapat pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko ang paghahanap ng mga epektibong solusyon sa mga suliranin ng bayan dahil pangunahing responsabilidad nila ang tumugon sa mga pangangailangan ng taumbayan. 

Pamahalaan ang pangunahing dapat pinapanagot at nagreresolba sa problema natin sa baha. Bagamat mahalaga ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor, hindi kailangang magkaroon ng utang na loob ng taumbayan sa mga korporasyong kung tutuusin ay dapat nagbabayad-pinsala sa mga proyekto nilang nang-aagrabyado sa mahihirap at sumisira sa kalikasan. 

Mga Kapanalig, sabi sa Roma 13:6, “ito rin ang dahilan kung bakit [t]ayo nagbabayad ng buwis; sapagkat ang mga namamahala ay lingkod ng Diyos.”  Siguruhin nating nagagamit ang ating mga buwis sa tama gaya ng epektibong pagtugon sa suliranin natin sa baha. Bilang mga lingkod-bayan at ng Diyos, ipaalala natin sa pamahalaan ang kanilang tungkulin, at hindi kasama rito ang pagbibigay ng pabor sa mga pribadong interes na kita lamang ang habol. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,449 total reads

 34,449 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,058 total reads

 85,058 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,929 total reads

 132,929 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,877 total reads

 236,877 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,224 total reads

 321,224 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,450 total reads

 34,450 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,059 total reads

 85,059 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,930 total reads

 132,930 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top