E-wallet service providers, hinamon ng Obispo na alisin ang access sa online gambling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,083 total views

Hinamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang lahat ng electronic wallets o e-wallet service provider sa Pilipinas na ipagbawal ang mga cash transactions sa lahat ng online gambling sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng hakbang ng nangungunang e-wallet na GCASH at Pay Maya kung saan ipinagbawal na ang anumang online gambling money transfer at transaction simula August 16.
Ikinababahala ng Obispo na sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagsulputan din ang mga e-wallets sa Pilipinas kaya’t may pamamaraan pa rin ang mga nalulong sa online gambling na makapaglipat ng kanilang pera upang makapaglaro.

“Kasi ito ay nakakasira sa mga tao, lalo na sa mga kabataan at mahihirap, so yan po ay isang bold move pero hindi po sapat, ang hinihingi po natin sa lahat ng e-wallets na ipagbawal ang online gambling,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Aminado si Bishop Pabillo na isang bold move ang ginawa ng ilang e-wallets service provider pero hindi ito sapat upang masawata ang online gambling.

Panawagan at hamon ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at mga mambabatas na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa Pilipinas na itinuturing na bagong salot sa Lipunan.

“Okay naman yung pagbabawal sa anumang online gambling transaction, pero hindi sapat ito-hindi sapat, kasi ang gusto natin, ipagbawal sana ng lahat ng mga e-wallets, alam po natin na ang GCASH, isa lamang sa mga e-wallets dahil marami pang mga ibang e-wallets, dapat ang polisiya sa gobyerno, talagang wala ng online gambling,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Naunang kinilala ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas na i-regulate ang access ng online gambling sa mga e-wallet provider.
Gayunman, nanindigan si Cardinal David na hindi sapat ang hakbang ng BSP kayat muli itong nanawagan sa pamahalaan na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), umabot sa 32 milyong Pilipino ang aktibong nakilahok sa online gambling mula January hanggang May 2025 na katumbas ng 291% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

iniulat ng Recovering Gamblers of the Philippines na 80% ng kanilang mga pasyente sa rehabilitation center ay nabiktima ng online gambling, na hindi lamang nagdulot ng pagkalugi ng pera o kita kundi nagbunga rin ng depresyon at pagkawasak ng buhay, pamilya, at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,785 total views

 26,785 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,136 total views

 55,136 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,866 total views

 122,866 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,017 total views

 146,017 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,240 total views

 214,240 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,952 total views

 7,952 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top