Kaninong tungkulin ang solusyunan ang baha?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 142,239 total views

Mga Kapanalig, sasagutin na raw ng San Miguel Coportation (o SMC) ang pagresolba sa baha sa Metro Manila. Nangako ang presidente ng SMC na si Ramon Ang na tutulong na masolusyunan ang baha sa Metro Manila “at no cost to the people, at no cost to the government.” Libre daw!

Magkakaiba ang naging reaksyon ng publiko sa alok ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. Marami ang nagpasalamat sa kagandahang-loob ng negosyante. Malaking tulong daw ito sa gitna ng pinsalanag idinudulot ng pagbabaha sa buhay, kabuhayan,at kalusugan ng mga tao. 

Nagpasalamat din si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa alok ni Ginoong Ang.Very welcome” daw ito dahil nakita naman daw natin ang mga proyekto ng SMC at ang magagandang resulta ng mga ito. Paliwanag pa ni PBBM, ito ang dahilan kung bakit dapat bigyan ng puwang ang pribadong sektor sa pagsusulong ng kaunlaran ng bayan. 

Para naman sa iba, negosyante pa rin si Ginoong Ang at panigurado raw na may kapalit ito. Marami ang duda na pagpapabango lamang ito sa pangalan niya at ng kanyang korporasyon dahil sa mga isyung kinasasangkutan nila. 

Nariyan ang panggigipit sa mga katutubo sa isla ng Bugsuk, Palawan. Target para gawing eco-tourism project ng isang subsidiary ng SMC ang isla. May mga armadong tao tinatakot at pilit na pinalalayas ang mga katutubo. 

Dagdag pa sa mga kontrobersyal na proyekto ng SMC ang Pasig River Expressway (o PAREX) na sinasabing magpapagaan sa trapiko sa Metro Manila. Papatungan ng highway ang Ilog Pasig mula sa Taytay hanggang sa Maynila. 

Tinututulan din ng ilang grupo ang New Manila International Airport na ipinatatayo ng SMC sa Bulacan. Ayon sa ilang residente sa paligid ng itinatayong airport, nagdulot ang proyekto ng matinding pagbaha sa kanilang lugar. May mga pamilya ring pinaalis sa lugar para bigyang-daan ang paliparan. 

Dahil sa mga kontrobersyal na proyektong ito, hindi maiiwasang tanungin kung libre nga ba talaga ang alok ni Ginoong Ang at ng SMC? Saan kukunin ng korporasyon ang gagastusin nito? May mga sektor bang katulad ng mga katutubo na magbabayad sa sinasabing pagmamagandang-loob ng negosyante? Baka pati ang kalikasan ay kasama sa isasakripisyo kung pagbibigyan ang pribadong kompanya sa gusto nitong gawin sa Metro Manila. Bakit aasa ang gobyerno sa SMC? 

Sa economics, may kasabihan ngang “There is no such thing as a free lunch.” Walang libre sa tunay na buhay. Hindi mo makukuha ang isang bagay nang walang kapalit.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng pamahaalaang siguruhing maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan. Hindi ang interes ng mga negosyante, lalo na ang mga may kuwestiyonableng intension, ang dapat unahin ng gobyerno. Ayon nga sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, dapat pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko ang paghahanap ng mga epektibong solusyon sa mga suliranin ng bayan dahil pangunahing responsabilidad nila ang tumugon sa mga pangangailangan ng taumbayan. 

Pamahalaan ang pangunahing dapat pinapanagot at nagreresolba sa problema natin sa baha. Bagamat mahalaga ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor, hindi kailangang magkaroon ng utang na loob ng taumbayan sa mga korporasyong kung tutuusin ay dapat nagbabayad-pinsala sa mga proyekto nilang nang-aagrabyado sa mahihirap at sumisira sa kalikasan. 

Mga Kapanalig, sabi sa Roma 13:6, “ito rin ang dahilan kung bakit [t]ayo nagbabayad ng buwis; sapagkat ang mga namamahala ay lingkod ng Diyos.”  Siguruhin nating nagagamit ang ating mga buwis sa tama gaya ng epektibong pagtugon sa suliranin natin sa baha. Bilang mga lingkod-bayan at ng Diyos, ipaalala natin sa pamahalaan ang kanilang tungkulin, at hindi kasama rito ang pagbibigay ng pabor sa mga pribadong interes na kita lamang ang habol. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 23,832 total views

 23,832 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,516 total views

 74,516 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 80,645 total views

 80,645 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 109,990 total views

 109,990 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 127,411 total views

 127,411 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 23,833 total views

 23,833 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,517 total views

 74,517 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 80,646 total views

 80,646 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 109,991 total views

 109,991 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »
Scroll to Top