Ika-5 taong pagkamatay ng isang human rights activist, inalala ni Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,532 total views

Hinamon ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga Pilipino at mananampalataya na higit pang isulong ang pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap bilang pag-alala kay Zara Alvarez sa ikalimang taong anibersaryo ng pagkamatay ng aktibistang naging aktibo sa pagsusulong karapatan at dignidad ng mga mahihirap.

Ayon sa Obispo, bilang nagkakaisang isang simbahan at tungkulin ng mga mananapalataya na kailanman ay huwag iwanan sa kalbaryo ang mga mahihirap katulad ng naging buhay ni Zara Alvarez.
Hinikayat ng Obispo ang mamamayan na aktibong isulong ang pagpapalakas sa kanilang mga panawagan at marating ang puso ng mga opisyal ng pamahalaan at kapwa Pilipino upang masimulan ang pagbabago at makamit na ang katarungang panlipunan.

“Zara gave her life like completely, Let us claim her wisdom and courage, Let us be strengthened in our journey as a Church, that will never abandon the poor. And may Zara’s name and memory be whispered in our prayers, remembered in our struggles, and alive in our HOPE. Madamo gid nga salamat Zara, bendisyunan ka sang Gino-o sang pahuway nga dayon (Thank you so much, Zara. May the Lord grant you eternal peace.),” ayon sa mensane ni Bishop Alminaza.

Nawa sa tulong ng mga naiwang aral ng mga aktibisitang katulad ni Zara Alvarez, panalangin ng Obispo na maipagpatuloy sa lipunan ang pakikibaka para sa ikakabuti ng mga mahirarap, kalikasan at iba pang sektor ng lipunan na nangangailangan tulong.

Sa kaniyang pag-alala kay Alvarez, ay binahagi ng Obispo ang pakikibaka niya para sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at maralitang tagalungsod.

“Zara’s smile could light up an entire room. She had always a beautiful smile, in spite of the harsh realities she was constantly facing. She was hard-working, caring, patient and dedicated in her mission. In our gatherings for human rights and health ministries, she would bring the stories of the sacada, the farmers, and the urban poor — stories of pain and hardship, but also of dignity and courage,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Si Zara Alvarez ay ang Research and Advocacy Officer ng Negros Island Health Integrated Program (NIHIP) na konektado din at nakikibaka kasama ang ibat-ibang non-government ornizations sa Negros upang isulong ang karapatan ng mga mahihirap, magsasaka at manggagawa.

2018 ng magsimula ang pinahirap na pakikibaka ni Alvarez matapos maranasan ang red-tagging kasama ang 600-iba pang indibidwal sa Negros kung saan August 17, 2020 ng mapatay si Alvarez habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,715 total views

 21,715 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,066 total views

 50,066 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,796 total views

 117,796 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,947 total views

 140,947 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,555 total views

 209,555 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,705 total views

 7,705 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top