Babaeng vlogger na lumapastangan sa holy water font, ipinaubaya ni Archbishop Jumoad sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,016 total reads

Ipinapasa-Diyos na lamang ni Ozamis Archbishop Martin S. Jumoad ang babaeng vlogger na lumapastangan sa holy water font ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental na dahilan upang pansamantalang ipasara ang Simbahan dahil sa sacrilege noong ika-5 ng Agosto, 2025.

Ito ang pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas matapos ang muling pagbubukas sa Simbahan noong ika-16 ng Agosto, 2025 -makaraang maisagawa ng mga mananampalataya sa parokya ang mga naaangkop na Acts of Reparation.

Ipinaliwanag ni Archbishop Jumoad na tanging ang Panginoon lamang ang tunay na nakakakita sa kadalisayan ng puso ng bawat isa at siyang makakaalam kung taos-puso ang pagsisisi nito sa kanyang nagawang kasalanan.

Ibinahagi ng Arsobispo na tanging sa pamamagitan ng kanyang vlog at pagbibigay ng mga panayam humingi ng patawad ang babaeng vlogger sa kanyang ginawang paglapastangan sa Simbahan.

“I think she has done it [apology] through her vlog and siya po ay nagpa-interview, I know that God is more merciful and God also will see our heart that we are really sincere in our repentance of our sins.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Jumoad sa Radyo Veritas.

Makalipas ang 11-araw mula ng ipasara ng Arsobispo ang Simbahan noong ika-5 ng Agosto, 2025 ay nakatuwang ni Archbishop Jumoad sa pagdiriwang ng banal na misa at rito ng pagbubukas at reconsecration sa Simbahan noong ika-16 ng Agosto, 2025 ang mga pari ng Arkidiyosesis ng Ozamis na dinaluhan naman ng mga mananampalataya ng parokya na lubos ang pasasalamat sa muling pagbubukas ng kanilang Simbahan.

Kabilang sa itinakdang acts of reparation bago muling pinahintulutan ang pagbubukas ng Simbahan ang pagsasagawa ng Holy Hour, pangungumpisal ng mga mananampalataya sa parokya, at pagsasagawa ng siyam na araw na Prayer Vigil na nagsimula noong ika-7 ng Agosto, 2025 upang hingin ang awa ng Diyos, ituwid ang kasalanang ginawa laban sa kabanalan ng Simbahan, at ipanalangin ang kagalingan at pagpapanibago matapos ang naganap na paglapastangan sa Simbahan.

Sa muling pagbubukas ng Simbahan ay inatasan ni Archbishop Jumoad si Rev. Fr. Rolly Lagada –ang kura paroko ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez katuwang ang parochial vicar ng Simbahan na si Rev. Fr. Rommel Rudinas na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng katesismo sa mga mananamapalataya kaugnay sa pagbibigay galang at pagpapahalaga sa kasagraduhan ng Simbahan at mga sakramento ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Archbishop Jumoad, “The Parish priest, Rev. Fr. Rolly Lagada together with his parochial vicar, Rev. Fr. Rommel Rudinas, are hereby instructed to ensure proper catechesis on the respect due to sacred spaces and to promote ongoing spiritual renewal among the parishioners.”

Una ng binigyang diin ng Arsobispo na bahagi ng tungkulin ng mga mananampalataya sa parokya ang protektahan ang Simbahan mula sa mga taong nagnanais na lumapastangan sa kasagraduhan nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 25,284 total reads

 25,284 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 59,274 total reads

 59,274 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,757 total reads

 95,757 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,969 total reads

 113,969 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,954 total reads

 196,954 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top