Taimtim na debosyon sa Our Lady of Peñafrancia, panawagan ng simbahan sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,704 total reads

Nanawagan si Minor Basilica of Our Lady of Peñafrancia Vice Rector Fr. Jene Lois Sarmiento sa mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na panatilihin ang taimtim na debosyon sa Mahal na Ina sa nalalapit na paggunita ng taunang Peñafrancia Festival.

Ayon sa Pari, dapat na muling mapagnilayan ng bawat deboto na ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia ay sumasalamin rin sa kung paano dapat minamahal at ginagalang ng bawat isa ang kanilang Ina.

Pagbabahagi ni Fr. Sarmiento, sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga deboto kada taon ay kapansin-pansin din ang kaguluhan na nagaganap sa paggunita ng kanyang kapistahan.

Ipinaliwanag ng Pari na nais ng Simbahan partikular na ng Arkidiyosesis ng Caceres na muling maibalik ang tunay na diwa at puso ng debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia na may lubos na paggalang sa Mahal na Ina.

“Our devotion to Ina must reflect how we treat our mothers, with respect and love. The number of devotees grows each year, but so does the chaos. The Archdiocese desires to bring everyone back to the true heart of devotion, which is reverence.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Sarmiento.

Ang naturang pahayag ng Pari ay kasunod ng inisyal na pagpupulong ng mga opisyal ng Simbahan at kinatawan ng mga ahensya at local na pamahalaan sa Naga City para sa paghahanda sa taunang paggunita ng Peñafrancia Festival sa Setyembre.

Ika-31 ng Hulyo, 2025 ng opisyal na magsimula at muling binuo ang Joint Operation Center (JOC) Executive Committee para sa nalalapit na Peñafrancia Festival na binubuo ng Simbahan, lokal na pamahalaan at mga ahensya ng Naga City na inaasahang mangangasiwa para sa kaayusan sa seguridad ng taunang kapistahan.

Inaasahan namang nakatakda sa ika-18 ng Agosto, 2025 ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng Arkidiyosesis at ng lokal na pamahalaan ng Naga para sa magkatuwang na pangangasiwa sa kaayusan, kasagraduhan at kapayapaan ng nakatakdang Peñafrancia Festival.

“This MOA solidifies our shared responsibilities and ensures clarity in our collaboration,” Dagdag pa ni Fr. Sarmiento.

Matatandaang una ng binigyang diin ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na mahalaga ang pagtutulungan ng Simbahan at ng lokal na pamahalaan upang matiyak na mapangalagaan ang mahigit sa 300-taong debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia na naging bahagi na din ng tradisyon at kultura sa Bicol region.

Bukod sa Our Lady of Peñafrancia, natatangi rin ang debosyon ng mananampalataya ng Bicol Region sa Divino Rostro na nagpapaalala sa hindi matatawarang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

Napiling tema ngayong taon ang “Our Lady of Peñafrancia: Mother to All.” na layuning higit na mapalawak ang debosyon sa liwanag at mapagkalingang yakap ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at mapagmahal na proteksyon ng Divino Rostro.

Nakatakda ang 143rd Feast of Divino Rostro sa ika-12 ng Setyembre, 2025 habang nakatakda naman ang 315th Feast of the Solemnity of Our Lady of Peñafrancia sa ika-21 ng Setyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 25,123 total reads

 25,123 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 59,121 total reads

 59,121 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,604 total reads

 95,604 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,816 total reads

 113,816 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,814 total reads

 196,814 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top