Salceda isinusulong na maisama sa PhilHealth ang hospice at end-of-life care

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,358 total reads

Isinusulong ni Albay 3nd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang pagpasa ng House Bill No. 3810 o Right to Dignified End-of-Life Care Act na layong maisama ang hospice at end-of-life care sa mga serbisyong saklaw ng PhilHealth.

“Hindi naman po maipagkakaila. End-of-life care is still care,” pahayag ni Salceda, chairman ng House Committee on Food Security.

Ayon sa mambabatas, layunin ng panukala na bigyan ng mas makataong opsyon ang mga pasyente at kanilang pamilya upang gugulin ang huling araw ng may ginhawa, malayo sa labis na sakit at bigat ng gastusin.

“Hospice care is about giving families and patients a choice — to spend their last days together in comfort, without unnecessary pain, and without the crushing burden of debt,” dagdag ng mambabatas.

Itinatakda ng panukala na kilalanin ang hospice care bilang isang pangunahing serbisyo na maaaring ibigay sa ospital o mismong sa tahanan ng pasyente. Kabilang dito ang pagpapagaan ng sakit, pagbibigay ng emosyonal at espirituwal na suporta, at paggabay din sa pamilya.

Nanawagan si Salceda ng agarang pagpasa ng panukala upang matiyak na ang hospice at end-of-life care ay maging tunay na abot at sakop ng PhilHealth, at para mapangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino sa makatao at marangal hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,287 total reads

 23,287 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,383 total reads

 57,383 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 93,866 total reads

 93,866 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,077 total reads

 112,077 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,177 total reads

 195,177 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top